Kaya nga mahalaga yung unang requirement ng SEC which is business registration and licensing. Para pwede mong habulin yung kumpanya kung may grievances. Pag walang license to operate, di sila makakasingil ng taxes and annual permits, di rin makikilan. Same with dun sa company in question, kapag sila naman ang may grievances, di nila magagamit ang Philippine laws to their advantage.
Ito ang wala ng Binance " business registration and licenses".. Siguro hindi naman gaana ka strikto ang bansa natin, ang problema lang ay parang wala namang willingness sa kanila na kumula, wala ngang assurance sa mga clients nila. Kung may " business registration and licenses" , matik na rin na meron na silang tax babayaran. Malaki siguro ang tax, pero mas malaki ang mawawala nila kung hindi na nila ma serve ang market ng Philipines.
Kung sakaling ma block talaga, mahirap ipaglaban ang Binance kung sila mismo ay hindi lumalaban. Parang katulad lang yan ng atong mahal mo pero di ka mahal.. haha. Advance happy valentines pala sa inyo.

Agree din ako sa nasabi nyong prevention. That is true. Mababasa din naman dito sa bitcointalk ng paulit ulit. Never leave your funds in any exchange kasi nga di ba, not your keys, not your assets. Kung biglang di ma-access, punta na ng Thailand para magtrade. Mura lang airfare pag group package

Kahit may licenses sila, prevention pa rin, basic yang sinabi mo kabayan. Pag license maaring makuha mo pa rin ang funds, ang tanong is kailan kasi madugo pa ang procedures niyan.