Anyone here already experienced na lock yung account tapos pinapapunta sa office ng coins.ph para maretrieve yung balance or need magsubmit ng proof of income para maclaim yung amount?
Recently kasi ay naopen ng asawa ko yung coins.ph nya tapos may naiwan palang ETH na balance na ngayon ay malaking halaga na. Matagal ng hindi active yung coins.ph account nya. Nakakagulat lang na naglolock pala sila ng account na may balance kapag hindi na ginagamit.
Planning to go on theiroffice at Ortigas. Asking lang kung macla2im ba same day yung funds para hindi sayang ang drive. Ito talaga ang hirap kapag nagiiwan ng funds sa custodial wallet.

I think normal ito sa isang platform kabayan lalo na kapag sobrang tagal muna talaga hindi na open ang account na yun. Parang may nakita akong similar cases pero di sa coins sa ibang platform nga lang kaya mas mainam siguro na puntahan nalang sila sa opisina physically since tingin ko yan ang kanilang way para ma verify yung may ari. Di ko lang sure kung e open pa nila ulit ang account na yan since kilala si coins na nag close ng account tas di na binabalik for whatever reason they have.
At dun muna talaga malalaman kung makukuha mo ba ito or hindi. May funds din ako dati sa lumang coins.ph account na di ko nakuha at na lock pero hinayaan ko nalang since hassle talaga tong si coins.ph sa mga ganyan.
Ang masaklap lang dyan eh pinapunta ka sa office tapos hindi rin pala mapaprocess or hindi rin pala nila ihohonor yung mga documents mo, hindi ko pa naman nararanasan yan kabayan pero mas mainam sigurong magtanong sa support kung ano ung mga possibilities tapos wag na lang din mag expect para hindi masyadong nakakabwesit kung anoman ang mangyari.
Wala ka kasing magagawa dahil ikaw ang nangangailangan sayang din naman kasi yung natirang pera kung hindi ka magbabakasakali, siguro ihanda mo na lang yung sarili mo, sila lang din kasi talaga ang makakapag decide kung ano pwedeng mangyari dun sa na-hold na ETH ng asawa mo.