Sinabi mo pa kabayan, tayong mga end users ang ipit kasi nga nakasanayan natin ang binance at alam naman nating lahat yung convenient na nakukuha natin sa pag gamit sa service nila kaya lang karapatan din ng gobyerno natin na implement ang batas at mukhang walang plano ang binance na makipagusap or magcomply sa gusto ng gobyerno natin, sadyang kailangan nating maghanap ng mga pwedeng magamit na magagamay din natin kung sakali.
Tayo ang ipit dahil wala tayong ibang choice kundi lipat nalang sa ibang magandang exchange na international. Kahit na di ko gusto yung local exchanges natin, napipilitan nalang din ako pero so far wala naman akong problema sa kanila. Iba pa rin talaga ang nakasanayan natin na Binance. Convenient siya at hindi masyadong matanong di tulad sa local exchanges, konting kibot lang, additional kyc at details nanaman kahit na nakapagcomply ka na sa mga hinihingi nila dati.
Sa paggamit naman ng VPN medyo lakasan din ng loob kasi may risk din kung biglang ma freeze or masuspende yung account mo nganga yung available balance mo sa binance pag nagkataon.
Doon sa mga gumagamit na ng VPN sabi ay basta supported ni Binance yung country ng VPN o IP na gagamitin mo okay lang. Huwag lang daw doon sa mga bansang restricted si Binance kaya totoo din yan na lakasan lang ng loob.