Oo, masasanay din tayo na wala ang Binance pero sa mga ilang natitirang araw ay umaasa pa din ako na baka may mga pagbabago kasi sabi ng marami kung wala pa daw court order, hindi daw mababan basta basta ang website ng binance.
Hanggat hindi pa dumadating yung mismong araw, wag tayo mawalan ng pag-asa. Possible rin naman i-extend as per SEC sana lang talaga ay may marinig rin tayo galing sa Binance para na rin mabigyan ang users nila dito sa PH ng seguridad na gumagawa sila ng paraan para malutas ang kinahaharap nila dito sa bana.
Simula noong nagkaroon ng advisory, hindi natin alam kung nilalakad ba talaga nila o parang inabandon nalang nila itong market nila sa bansa natin. Hirap kasi walang guidelines o pasabi si Binance tungkol sa advisory ni SEC. Pero hangga't wala pa naman yang araw na yan, antay nalang din kung ano ba talaga ang kalalabasan niyan. Lalo na sa mga maraming fund na nasa binance dahil karamihan sa mga kapwa pinoy natin may mga nakalagay sa earn feature nila. Oo mali dahil hindi hawak ang private key pero alam nila ang risk nila.
Well, sa tingin ko parang ganun na nga dude ang ngyari, parang hinayaan na nilang mawala ang pinas sa kanilang marketing strategy, dahil kung meron silang ginagawa na hakbang edi sana meron nang naibalita ang bitpinas sa bagay na yan. Pero wala diba? that means isa lang ibig sabihin talaga nyan, yun ay para sa binance hindi tayo kawalan sa kanila ganun lang yun kasimple maintindihan.
And besides pansin ko naman din sa ating mga kababayan dito na nakamove-on or tanggap na ng lahat na wala na ang binance sa bansa natin, at sa tingin ko naman ay ayos lang yun hindi rin naman kawalan sa atin ang binance para magpatuloy tayo sa industry na ito ng cryptocurrency industry na ito.
Nababasa ko nga sa ibang post sa social media na P2P lang naman ang mawawala sa atin kung sakali at accessible pa din ang Binance. Kaya siguro hindi nilalakad ng Binance ang registration dahil hindi naman totally mawawala ang users nila na mga Pinoy. May ilan naman na nagsasabing mawawala at ang tanging paraan lang ay gumamit ng VPN.
Pero ayan na nga, gaya ng sabi mo maglalabas dapat ng updates lalo na sa Bitpinas kung may hakbang silang gawin. Ang problema lang, ilang araw nalang o saktong isang linggo bago ang deadline pero wala pa rin.