Simula noong nagkaroon ng advisory, hindi natin alam kung nilalakad ba talaga nila o parang inabandon nalang nila itong market nila sa bansa natin. Hirap kasi walang guidelines o pasabi si Binance tungkol sa advisory ni SEC. Pero hangga't wala pa naman yang araw na yan, antay nalang din kung ano ba talaga ang kalalabasan niyan. Lalo na sa mga maraming fund na nasa binance dahil karamihan sa mga kapwa pinoy natin may mga nakalagay sa earn feature nila. Oo mali dahil hindi hawak ang private key pero alam nila ang risk nila.
Well, sa tingin ko parang ganun na nga dude ang ngyari, parang hinayaan na nilang mawala ang pinas sa kanilang marketing strategy, dahil kung meron silang ginagawa na hakbang edi sana meron nang naibalita ang bitpinas sa bagay na yan. Pero wala diba? that means isa lang ibig sabihin talaga nyan, yun ay para sa binance hindi tayo kawalan sa kanila ganun lang yun kasimple maintindihan.
And besides pansin ko naman din sa ating mga kababayan dito na nakamove-on or tanggap na ng lahat na wala na ang binance sa bansa natin, at sa tingin ko naman ay ayos lang yun hindi rin naman kawalan sa atin ang binance para magpatuloy tayo sa industry na ito ng cryptocurrency industry na ito.
Posible din naman na tahimik lang nilang nilalakad pero wala talaga tayong makuha kahit anong update. Puwede ding nasa circle lang ng Binance na sila sila lang dapat ang nakakaalam kung ano na ang progress ng ginagawa nila. Karamihan sa atin tanggap na mawawala ang Binance sa atin kaya nagsisipaglipatan na ng mga assets nila for trading.
Typical Binance approach yan. Delaying tactics unless mag strict implementation na ang bansa natin sa ban decision which is I doubted na magiging effective immediately given na napaka uncompetitive ng mg namumuno sa bansa natin.
Wala ngang pakialam ang banko sentral sa crypto at sila pa ang number one na ayaw sa crypto kaya I really doubted na focusan nila ito ng matindi just to push Binance na magcomply. Besides new management kasi ang Binance kaya baka walang umaasikaso ng license dahil may bigger problem sila internationally.
Pero tama ang sinabi mo na dapat talaga na hindi maghold ng coins sa exchange kahit na kumukita sila ng passive sa earn frature ng exchange since way ng exchange yan para maghold ang mga user sa exchange wallet nila.
In fairness naman sa BSP, sila ang nagiisue ng mga licenses na related sa crypto, yung VASP license. Kaya may ideya sila sa mga nangyayari pero di naman na nila sakop ang desisyon ng SEC o kung meron mang nagpoprotesta na local exchanges against sa kanila.
Inaayos na rin siguro yan ng Binance... ito yung reply nila dun sa nag inquire na kabayan natin...

So sa ngayon, wala munang dapat gawin at aware naman pala talaga sila sa nangyayari. Kung umabot man sa deadline, hindi mafefreeze ang mga accounts.