Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
blockman
on 22/02/2024, 23:09:23 UTC
May mga nabasa lang ako dati pero maclaim mo naman yan. Gaano kaya kalaki yang naiwan na funds diyan at ETH pa?  Grin
Posible siguro noong bear market pa yan na naiwan diyan tapos naging dormant yang account na yan tapos tinry iwithdraw ng asawa mo tapos nadetect ni coins.ph na may sudden transaction na requested mula sa long time account na walang activities. Kung sinabi naman nila na ibibigay ang fund at need mo ng personal appearance ay kapag pupunta ka, dalhin mo na lahat ng necessary documents at IDs para hindi ka na magpabalik balik pa just in case lang naman.
Sa ganitong pagkakataon possible talaga na ma-hold ang account dahil dormant. Suspicious activity ang lalabas sa kanila, kung ang funds ay di gumagalaw simula pa ng bear market, mataas na value nito tapos biglang mabubuhay, unlike kung sa hardware wallet na ikaw lang ang may hawak, walang ganitong mangyayari. Kaya hirap talaga mag store sa coinsph e lalo kung long term.
Iba talaga kapag nasa hardware wallet mo o kaya wallet mo na nasa sayo ang private keys. Alam naman nating lahat yan pero kay kabayan siguro nalimutan lang na may funds pa sila doon at tingin ko may mali din dito si coins.ph. Dapat kapag nag log in ay may note na yung account na yun ay naging inactive sa mahabang panahon at dapat contact-in sila para maactivate ulit. Doon palang dapat ay may red note na sila para sa mga users na babalik sa platform nila. Basta wala namang masamang intention pero yan na kasi ang end game kapag pinapunta ka sa office nila, never mo na magagamit ang platform nila at kapag pinapull out na funds mo sa account mo.