Iba talaga kapag nasa hardware wallet mo o kaya wallet mo na nasa sayo ang private keys. Alam naman nating lahat yan pero kay kabayan siguro nalimutan lang na may funds pa sila doon at tingin ko may mali din dito si coins.ph. Dapat kapag nag log in ay may note na yung account na yun ay naging inactive sa mahabang panahon at dapat contact-in sila para maactivate ulit. Doon palang dapat ay may red note na sila para sa mga users na babalik sa platform nila. Basta wala namang masamang intention pero yan na kasi ang end game kapag pinapunta ka sa office nila, never mo na magagamit ang platform nila at kapag pinapull out na funds mo sa account mo.
Sabagay, kasi dapat sila din ang maginitiate kung talagang concern sila sa mga end-users nila, may laman pala yung account/wallet sana nagpadala sila ng notice para naasikaso ng may ari at para patuloy pa rin na gamitin ang serbisyo nila, medyo mas okay na sa kin na payagan na makuha yung pera tapos tsaka eh permanent ban kesa hindi mo na makuha yung pera tapos ganun din naman yung gagawin sa account mo.
Wala talaga tayong magagawa kung anoman yung magiging outcome ng issue ni kabayan, sa pagitan na ng asawa nya at ng coins.ph ang magiging sagot dito.
Yung tipong magsesend lang ng notice through email na masyadong matagal ka nang hindi nakalogin sa account mo. Si Google, may ganitong email sa mga users niya para hindi maging inactive yung accounts or hindi materminate yung email, kahit log in lang ay ok na. Makukuha at makukuha nila ang pera niyan basta isettle nila sa office ni coins.ph at tingin ko pagsa-signin lang sila ng memorandum of agreement na terminated na ang account niya at hindi na sila pwede gumamit ng products ni coins.ph kapalit ng ibabalik ang pera nila. Siguro standard procedure lang din yan ni coins.ph kasi ganyan yung nabasa ko dati sa isang friend ko sa FB na pinapunta siya sa office nila para makuha yung pera at after nun, nanahimik nalang siya at wala ng post related kay coins, siguro part yun sa agreement.