Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippines SEC will Ban Binance. Effectivity End of Feb. 2024
by
Fredomago
on 24/02/2024, 00:09:19 UTC
So sa ngayon, wala munang dapat gawin at aware naman pala talaga sila sa nangyayari. Kung umabot man sa deadline, hindi mafefreeze ang mga accounts.

Yan din ang pagkakaintindi ko pero hindi man ma-freeze kung ibblock ng government ung website nila pag natuluyan yung sinasabi ng SEC mapipilitan ka ng gumamit ng VPN para maaccess yung funds mo, medyo alanganin kasi baka yun naman ang maging dahilan ng pagfreeze ng account
Dahil naka-KYC naman lahat sa atin, maiintindihan naman siguro kung kailangan gumamit ng VPN para maka-access sa kanila lalo na kung meron pang malaki laking halaga na naiwan sa kanila. Ang dami ko pa ring nakikita na may mga malalaking pondo na hindi pa rin nililipat sa ibang exchange.

sa akin lang eh aabang muna ako kung anong pwedeng mang yari at kung meron mga kabayan natin na makakagamit pa rin ng serbisyo ng binance kahit na nablock na sila dito sa pinas, medyo risky pero sigurado akong ang mga pinoy eh palaging may paraan yan, ika nga eh pag gusto may paraan, pag ayaw eh may dahilan. hehehe
May mga nagsasabi naman at nabanggit na yun dito tungkol sa court order. Wala pa namang court order at hindi nila puwede iblock ang access sa website na yan. Pero ganun na nga, antay nalang din tayo sa kung ano man ang mangyayari. Ako, ayaw ko talaga gumamit ng VPN dahil nga yan ang concern na baka yan pa ang maging mitsa ng pagbaban nila mismo sa user at takot lang din ako subukan yan. Wala naman din tayong magagawa sa mga oras na ito kung hindi maghintay nalang at para sa mga ayaw na maghintay, ilipat na ang mga assets sa wallets o exchanges na gusto niyo.

Hindi tlaga na malabong  ang paggamit ng vpn ang siya pang maging mitsa ng pagkaban ng ating account sa binance ang mangyari,  edi dagdag stress lng yan sa atin sa totoo lang. Saka kapag walang court order ay malamang tlaga ay hindi pwedeng magawa parin ng Sec na iblock ito.

Yang legal process na dapat gawin at sundin parin ng ahensya ng sec dito sa bansa parin natin, kay sa ngayon subaybay at antabay parin tayo sa bagay na yan sa totoo lang.

Tama kabayan un legal na process at yung announcement na nag comply na sila para hindi tayo kakaba kaba sa tuwing gagamitin natin yung sebisyo nila, sa ngayon medyo alanganin talaga kasi hind natin sigurado kung anong pwedeng mangyari at dahil usaping pera yan mahirap maipit at mahirap magbakasakali sa kung anoman alternatibo para lang magamit ang serbisyo ng binance kung sakaling ma block nga yung site nila dito sa bansa natin.

Hopefully e maayos ng Binance lahat ng compliance piece niya sa SEC para maging okay na lahat. Sa totoo lang, okay naman ang Binance. Nagiging compliant na sila sa halos lahat ng bansa na sineserbisyuhan nila. Binance is here to stay, although siyempre dahil sa uncertainty nga ng compliance status nila sa SEC, mahirap isugal at mag iwan pa ng pera o gamitin ang serbisyo nila sa ngayon.


May iilan pa rin namang alternative, pero iba kasi talaga ang mga sellers at buyers sa binance kumpara sa ibang lugar.

Kung sa serbisyo lang naman at sa pagiging convenient Binance talaga ung nagbigay ng medyo maalwan at madaling gamitin, at sa dami na ng end users nila talagang makakasabay ka ng bultuhan, kaya lang usaping legal kasi ung issue nila sa ngayon kaya sana maisaayos na nila.