Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippines SEC will Ban Binance. Effectivity End of Feb. 2024
by
Ben Barubal
on 24/02/2024, 21:38:10 UTC

Inaayos na rin siguro yan ng Binance... ito yung reply nila dun sa nag inquire na kabayan natin...

So sa ngayon, wala munang dapat gawin at aware naman pala talaga sila sa nangyayari. Kung umabot man sa deadline, hindi mafefreeze ang mga accounts.

Yan din ang pagkakaintindi ko pero hindi man ma-freeze kung ibblock ng government ung website nila pag natuluyan yung sinasabi ng SEC mapipilitan ka ng gumamit ng VPN para maaccess yung funds mo, medyo alanganin kasi baka yun naman ang maging dahilan ng pagfreeze ng account, sa akin lang eh aabang muna ako kung anong pwedeng mang yari at kung meron mga kabayan natin na makakagamit pa rin ng serbisyo ng binance kahit na nablock na sila dito sa pinas, medyo risky pero sigurado akong ang mga pinoy eh palaging may paraan yan, ika nga eh pag gusto may paraan, pag ayaw eh may dahilan. hehehe

    Bakit pa ako gagamitng vpn kung meron naman na akong ibang alternative para sa binance, diba? Naiintindihan ko naman na lahat tayo dito ay nanghihinayang sa magandang service na pinakita ito pagdating sa p2p transaction, pero wala na tayong magagawa sa bagay na yan. Sabihin na nating aware nga sila sa news dito sa bansa natin sa SEC anunsyo sa kanila, pero diba dapat kung mahalaga ang community ng crypto sa bansa natin sa kanila dapat pinaparamdam nila sa mga crypto community sa bansa natin na wala tayong dapat na ikabahala?

    Kaya sa reply nilang yan, hindi ko ramdam na pursigido talaga silang makipagsettle sa bansa natin sa ilalim ng SEC agency na meron tayo. Sorry pero ito talaga yung nararamdaman ko sa hakbang na ginagawa nila sa totoo lang naman din.