Sa tingin niyo matutuloy 'to?
Mataas ang chance na matuloy ito, dahil mukhang walang ginagawang hakbang ang Binance para maayos ang issue nila with SEC Philippines. Maglipatan nalang muna ng funds para siguradong ligtas ang pera natin.
Pera-pera lang naman yan, syempre nainggit yung SEC Philippines sa U.S SEC kasi nagbayad yung binance sa kanila. I don't know pero walang magandang progress na nangyayari mostly sa buong mundo, lalo na dito sa pinas. Instead na suportahan nila yung mga pinagkakakitaan ng mga pinoy, gagawa lang sila ng paraan para mapatawan ito ng buwis na halos wala ng matira sa mga manggagawang pilipino.
Ang daming problema sa bansa natin pero mas inuuna nilang punan yung mga bulsa nila kesa tulungan yung mga butas ang bulsa na nagkukumahog may makain lang sa araw-araw dahil sa hirap ng buhay.
May God help us all.
Masakit na katotohanan yan kabayan pero ganun nga talaga ang nangyayari, kung dadaanin sa batas karapatan naman talaga ng Sec natin na magpataw kasi malaking pera ang pinag uusapan pero kung kapakanan naman ng mga mamayan pwede naman hayaan na lang kasi madami pa naman resources na pwedeng gamitin or pwedeng pagtuunan ng pansin.
Siguro nagkasubuan na lang or merong malaking inplwensya sa may mga pangalan ng korporasyon na nais makinabang kung sakaling matuluyan na nga yung pagpapablock ng binance services sa bansa. Tignan na lang natin kung ano pang development ang magaganap patungkol dito.