Siguro nagkasubuan na lang or merong malaking inplwensya sa may mga pangalan ng korporasyon na nais makinabang kung sakaling matuluyan na nga yung pagpapablock ng binance services sa bansa. Tignan na lang natin kung ano pang development ang magaganap patungkol dito.
Alam mo, ang mga nag push talaga diyan na i ban ang Binance ay yung competitors ng Binance sa Pilipinas na nagbabayad ng tamang buwis. Kasi kung tuluyang ma ban ang Binance, syempre papasok sa kanila ang pera para doon nalang mag trade sa kanila. So win-win ito on both SEC and regulated local exchanges sa Philippines, more income for the government through taxes, and more income for exchanges like coins.ph due to additional clients.
Malapit na ang araw ng paghuhukom, 2 days nalang, haha.. kung di ma access, that means hindi bluff ginawa ng SEC.

Korek ka dyan kabayan sobrang taas ng chance na ganyan nga ang nangyayari katulad din sa telco yan hindi din pinapapasok mga foreign investor kaya ayun naghahari harian ang mga pangit ang serbisyo sa bansa natin.
Kung talagang magpapatuloy ang ganyang systema ng mga ahensyang kurakot walang mapupuntahan ang tulad nating mga crypto enthusiast dahil limited yung access natin sa mga exchange na talagang malaki opportunity to offer wide variety of services, support sa mas maraming coins and the best profit na pwede natin malikom depende sa kakayahan natin.
Yeah, maaring may katotohanan at merong punto, marahil simulka ng pumasok ang Binance sa pinas lalo pagdating sa p2p ay ang laking damage sa mga lokal exchange natin talaga ang ginawang ito ng binance sa kanila kahit na ang lokal natin ang nauna pa sa binance. Sapagkat nung time na madaming mga pinoy crypto enthusiast ang gumagamit ng binance ay halos wala ng gumagamit ng lahat most of the time ng mga loka exchange natin.
Kaya malamang isa sa mga pwedeng umalma dyan sa SEC ay ang coinsph dahil alam naman natin na pioneering talaga ang coinsph at ngayon dumami na ang mga competitors nya kaya halos malaki narin ang nawala sa coinsph. Pero ito ay sa aking assessment lang naman at obserbasyon ko.