Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippines SEC will Ban Binance. Effectivity End of Feb. 2024
by
arwin100
on 28/02/2024, 08:48:03 UTC
Siguro ayaw lang nila mag create ng panic dahil  once umingay lalo na papalapit na ang pag ban sa kanila sa bansa natin ay tiyak mas maapektuhan sila lalo. Tsaka siguro wala na sila talagang magagawa dyan dahil di din siguro nila kinaya ang requirements na hinihingi para makakuha sila ng license sa bansa natin. Sa ngayon habang papatapos na ang buwan ng Pebrero ay mainam na mag monitor nalang tayo since yun nalang ang magagawa natin at e make sure natin na wala na tayong funds na naiwan dahil mahirap na baka magkaipitan at matuloy talaga na di na natin ma access ang Binance sa susunod na buwan.

At di narin ako mag risk sa pag gamit ng VPN dahil sobrang delikado nyan, may available exchange pa naman na pwedeng magamit kaya lipat nalang muna siguro ako dun at maghintay kung may bagong ganap ganap ba o wala na talaga.

Same here kabayan, hindi na din kami nag risk pa sa pag gamit ng VPN kahit madami ang nag aadvice na pwede padin ipagpatuloy ang paggamit ng binance dahil syempre mahirap din sumugal lalo na't doon natin ihohold ating mga holdings. Mas mainam din talaga na kailangan secured ang mga gagamitin natin lalo na kung usapang pera ang involved dito. Hindi ko nadin naman nakikitang may progress or pagkilos ang binance group sa ating bansa kaya malaking bagay nadin na nakapag desisyon kami ng maaga kaysa maghintay.

Kaya nga pag bawal na talaga wala na tayo magagawa dyan at baka mahirapan pa tayo lalo pag pinag pilitan pa nating gamitin si Binance since for sure mag kakaroon ng conflict dyan lalo na pag hindi talaga VPN friendly si Binance.

Sobrang pangit lang talaga na need natin mag adjust sa panibagong exchange na gagamitin natin at nasanay na tayo kay binance since bukod sa trusted na natin ang platform na ito sila pa ang may pinaka murang fees sa ngayon. Tumitingin ako sa any crypto news site or pages kung may update ba sa case nato pero wala padin akong nakikita siguro makikita nalang natin ito once matapos na ang buwan ng February. Nag set up nadin pala ako ng account sa Kucoin,Bybit at Okx  then titingnan kung alin ang mas ok na exchange dyan.