Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippines SEC will Ban Binance. Effectivity End of Feb. 2024
by
arwin100
on 26/02/2024, 08:51:24 UTC

Inaayos na rin siguro yan ng Binance... ito yung reply nila dun sa nag inquire na kabayan natin...

So sa ngayon, wala munang dapat gawin at aware naman pala talaga sila sa nangyayari. Kung umabot man sa deadline, hindi mafefreeze ang mga accounts.

Yan din ang pagkakaintindi ko pero hindi man ma-freeze kung ibblock ng government ung website nila pag natuluyan yung sinasabi ng SEC mapipilitan ka ng gumamit ng VPN para maaccess yung funds mo, medyo alanganin kasi baka yun naman ang maging dahilan ng pagfreeze ng account, sa akin lang eh aabang muna ako kung anong pwedeng mang yari at kung meron mga kabayan natin na makakagamit pa rin ng serbisyo ng binance kahit na nablock na sila dito sa pinas, medyo risky pero sigurado akong ang mga pinoy eh palaging may paraan yan, ika nga eh pag gusto may paraan, pag ayaw eh may dahilan. hehehe

    Bakit pa ako gagamitng vpn kung meron naman na akong ibang alternative para sa binance, diba? Naiintindihan ko naman na lahat tayo dito ay nanghihinayang sa magandang service na pinakita ito pagdating sa p2p transaction, pero wala na tayong magagawa sa bagay na yan. Sabihin na nating aware nga sila sa news dito sa bansa natin sa SEC anunsyo sa kanila, pero diba dapat kung mahalaga ang community ng crypto sa bansa natin sa kanila dapat pinaparamdam nila sa mga crypto community sa bansa natin na wala tayong dapat na ikabahala?

    Kaya sa reply nilang yan, hindi ko ramdam na pursigido talaga silang makipagsettle sa bansa natin sa ilalim ng SEC agency na meron tayo. Sorry pero ito talaga yung nararamdaman ko sa hakbang na ginagawa nila sa totoo lang naman din.

Yun nga kabayan sa tono ng sagot nila eh parang walang urgency sa kanila yung mangyayaring block na gagawin ng SEC natin kung kasi importante sa kanila  meron na dapat silang akyon  na gagawin pero yung sagot parang sinabi lang na gagawan namin ng paraan pero walang detalyadong paraan at kelan nila saagutin yung  issue, kung meron ka ng gagamiting alternatibo  mainam yan kesa mag take ng risk sa pag gamit ng VPN, makaksanayan mo din naman yan pag palagi mo ng gimagawa.

Siguro ayaw lang nila mag create ng panic dahil  once umingay lalo na papalapit na ang pag ban sa kanila sa bansa natin ay tiyak mas maapektuhan sila lalo. Tsaka siguro wala na sila talagang magagawa dyan dahil di din siguro nila kinaya ang requirements na hinihingi para makakuha sila ng license sa bansa natin. Sa ngayon habang papatapos na ang buwan ng Pebrero ay mainam na mag monitor nalang tayo since yun nalang ang magagawa natin at e make sure natin na wala na tayong funds na naiwan dahil mahirap na baka magkaipitan at matuloy talaga na di na natin ma access ang Binance sa susunod na buwan.

At di narin ako mag risk sa pag gamit ng VPN dahil sobrang delikado nyan, may available exchange pa naman na pwedeng magamit kaya lipat nalang muna siguro ako dun at maghintay kung may bagong ganap ganap ba o wala na talaga.