Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippines SEC will Ban Binance. Effectivity End of Feb. 2024
by
Eternad
on 09/03/2024, 15:13:17 UTC

Walang akong alam na P2P platforms kung saan madaling mag-transact ng bitcoin kapalit ng Philippine peso. Kadalasan sa mga platform na ito ay hindi pa fully developed o hindi pa ganun kataas ang volume. Ang iba namang exchange na nag-ooperate sa Pilipinas e medyo sablay din gawa ng matataas na fees na iniimpose nila sa mga users per transaction. Sa tingin ko e makikipagsapalaran ako sa paggamit ng VPN unless magkaroon ng official statement si Binance na tuluyan na rin muna nilang isasara ang kanilang pintuan sa Philippine market.

Paxful ang pinaka popular na P2P platform na pwede ka makipag transact directly ng Bitcoin to PHP. Besides Binance lang naman ang possible ban while madami pa nmn mga popular na CEX na may P2P feature para sa PHP currency. Mas madalas ko ginagamit Bybit compared sa Binance since mas mataas ang rate ng mga P2P user dun sa gcash payment method compared sa Binance.

Kung ako ang tatanungin ay dapat iwasan na natin ang Binance kung sakali man iban na ito ng SEC since maaari tayong magkaroon ng legal problem once magbypass tayo gamit ang VPN since KYC verified tayo sa Binance at maaaring hingiin ng SEC ang records natin para sa mga sumusuway sa ban nila.