Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Nag impose na ng 1% tax ang BIR sa online merchant. Next na ba ang crypto?
by
Fredomago
on 21/03/2024, 13:02:59 UTC

     Kaya lang may mga ibang mga online sellers na matapos na makinabang ng malaki sa pag-oonline nila sila pa may ganang magalit gayong nakinabang naman na sila ng ilang taon. Saka wala din naman akong nakikitang mali kung magbayad ng tax dahil normal lang naman yan sa mga nagnenegosyo sa totoo lang.

     Oo tama ka, hanggang ngayon madami parin ang nakikinabang sa kanilang pag-oonline, parang nakatulong pa nga ang pandemic para makakuha ng ibang alternative na mapagkakakitaan ang mga tao via online. So kung anuman ang iutos ng BIR ay sumunod nalang tayo at huwag ng umangal pa.

As an online seller, Agree ako na dapat may taxes talaga which is matagal na dn namin ginagawa dahil may physical store din kami. Ang magiging implication lang nito ay tataas lahat ng bilihin sa mga e-commerce kagaya ng shopee at lazada dahil ipapasa na ng seller yung taxes sa mga buyer nila.

Karaniwan kasi sa mga online seller ay mababa lang ang profit margin kaya umaaasa lang sila sa volume ng sales dahil mababa lang ang benta nila. Mawawala na yung mga below 100php items lalo na yung mga China import items dahil hindi na uubra yung mababang price nila sa quarterly tax at ITR.

Sa April 14 magsisimula yung strict implementation ng tax kaya dapat mamili na kayo habang hindi pa nawawala yung mga business na hindi na uubra kapag may tax. Ito din yung pinagtataka ko dati kung pano kumikita yung karamihan ng seller sa e-commerce dahil sobrang baba nila magprice tapos may tax pa, yung pla ay mga walang tax kaya nakakausad pa din. Sobrang disaster nito sa mga online seller na hindi nagcocomputr dahil sobrang laki ng taxes na babayadan kung hindi pa dn nila ito icoconsider sa pricing nila.

Tama, dapat naman talaga ay matagal ng mayroon lalo na't business ito, kaya nga yung ibang online sellers ngayon ay pahirapan sa pag aasikaso ng papers nila dahil ang iba sa kanila ay napakalaki ng mga income pero hindi naman pala DTI registered, ang dami kong nababasa sa iba't ibang social media na nag rarant sila about sa tax implementation na common sense naman na dapat umpisa palang ay alam nilang kailangan nagbabayad ng tax. Ngayon, after ng deadlines na ibinigay sa kanila, expected ko Nadin na tataas na ang mga presyo ng mga binebenta nila, pero kahit hindi na nila taasan kasi kung tutuusin, yung iba sa kanila na mga live sellers ng mga thrift, overprice lahat, halos 4x ang patong sa original prices nila. Naiintindihan ko naman kung bakit Ganun, kaya dapat di nalang sila magreklamo sa pagbabayad ng tax dahil marami ng Panahon yung nakalibre sila sa pagbabayad ng tax.

Maganda yung opinion  mo kasi imposible naman na nagnegosyo ka tapos hindi mo alam na dapat pala eh mag tax ka, sabihin na natin na online mo at wala kang physical store pero dahil nga sa negosyo yun eh dapat may mga permit ka, medyo mahihirapan mag adjust ung mga maliliit na negosyante kasi alam naman natin na uso dito sa bansa natin yung pababaan instead na pagandahan ng quality ang nangyayari eh sulutan ng presyo para makabenta, siguradng apektado sila ng implementasyon ng taxes na mahigpit na ipatutupad na, expect na rin natin na mga mamimili lalo sa mga online platforms kasi sigurado na papasahan lang yan ng oblisgasyon maliban na lang na talagang magaling yung may ari ng store at kayang makipagsabayan sa paghahanap ng mas mga mura pang items na ibebenta nila.