Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Crypto cards na pwede gamitin sa local ATM natin?
by
bettercrypto
on 23/03/2024, 17:27:40 UTC

Talaga, may mga nabasa naman din kasi na pwede naman daw siya talaga, iniisip ko lang kabayan kung pano siya magkakaroon ng laman? sa pamamagitan din ba yan na kung magkano laman ng crypto mo sa crypto exchange, ganun ba yun? Though, hindi rin masasabi na maliit na halaga yung 400$ lang ang minimum dahil malaking amount din ito sa totoo lang.


Sa app mismo ay may separate wallet na dedicated sa card balance mo. Bali kailangan mo mag topup ng balance doon gamit yung crypto holdings mo. Hindi ko lang maalala pero parang CRO token ang need na ilagay sa card balance then yung value ay magiging in SGD currency na pwede mo na ispend online. Ginagamit ko dati ito sa mga online subscription since may rebate kasi sa card kapag nag spend ka. Yun nga lang ay medyo mababa yung exchange rate nila ng mga currency kaya dapat sa Kucoin kna mismo bumili ng CRO bago mo ideposit sa crypto.com wallet app mo para medyo makatipid ka sa fees.

Quote
Natawa naman ako nasisira sa pants mo dahil nga steel ito. Edi dapat pala nakalagay siya sa wallet natin na hindi natin dapat nilalagay sa ating mga bulsa sa pants natin. Saka kung nababahala ka kabayan, subukan mo mismo  sa banko yung sa loob mismo ng banko, para malaman mo talaga, itanung mo sa mga staff nila dun mismo para at least kung hindi man lumabas o kainin sa ATM ay pwede nila itong mailabas agad.

Ahahaha. I mean nasisira yung leather wallet ko kapag naiipit sa pants. Sobrang tigas kasi nung card kaya nasisira yung leather kapag naiipit since hindi flexible kagaya ng mga plastic cards.

Sigeh ichechek ko yan kabayan, medyo malaki nga lang talaga yung amount 400$ din, ipon muna ako dami kasing gastusin at bayarin din sa mga pagkakataon na ganito. Pasensya kana kung madami akong tanung ah kasin interesado talaga ako, so meaning pala form crypto.com account dun din manggaling yung balance natin sa card na ito.

Pero my punto din yung sinabi ng isa dito na medyo matagal nga yung duration ng staking nila nasa 6months din bago maunlock. Tapos, wala pa nga atang nakasubok kung makakawithdraw tayo sa fiat natin or peso gamit ang card na ito dito sa bansa natin.