Sa totoo lang hindi pa dahil iniiwasan ko lahat ng mga yan kasi alam ko ang takbo ng utak ng karamihan sa atin and yun yung di ko kayang e take risk dahil wala naman akong pang tapal if ever na mawala ang kanilang pera dahil sa kanilang variety of choices. yun nga yung time na meron pang mga scam investment na nagaganap dito sa lugar namin, pinagtatanong na ko kung ganon ba ang pag invest sa bitcoin, ako naman na concern sa kanila pinaliwanag ko lahat na hindi ganon iba yung bitcoin investment sa ponzi scams at higit sa lahat sinabi ko ang risk sa kanila sa mga pinaggagawa nila at ang masama pa dun ayaw nilang maniwala na scam yung mga Ponzi investment na yun.
hanggang sa tuluyan ng lumiwanag ang lahat ng mawala yung kanilang pera dahil tinakbo ng nag promote sa kanila, at least wala akong pinagsisihan dahil pinaliwanag ko naman sa kanila ang lahat.
Tingin ko Hindi ka masisisi kung wala kang ititira na crucial info katulad ng votality and security and preventive measures agaisnt scammers at hackers.
Yung nag attempt kang makatulong pero ang tingin ng iba eh sinisiraan mo lang yung para bang minamasama pa yung concern mo, marami na rin akong naging karanasan na katulad nito lalo na nun kaanitan talaga nung mga ponzi scheme na mga networking at ginagamit ang crypto para makapanloko, same lang din tayo ng diskarte paliwanag ng maayos pero hindi rin pinakinggan ang resulta ayun nganga at galit sa crypto dahil ang tingin eh scam lahat hindi kasi pinag aralan ng maigi at gusto lang eh mabilisang pera.
Risky ang crypto pero profitable. Ang masakit lang yung intensyon mo na ishare sa iba para maka pag take profit sila eh ikaw pa ang nasisi sa nangyari sa ininvest sila. Ang masakit kasi, naging dependent nalang sila sa kung ano sinasabi natin at hindi naman nag take ng time para may knowledge about crypto. Kaya nakaka dala din mag share about crypto eh kasi minsan pagnakaka rinig ng crypto gusto agad puro postive lang makuha without knowing how risky it is.
Yun ang dapat maipaalala sa mga tinuturuan or pinagshashareran natin dapat talaga hindi sila naka rely lang sa sasabihin natin kundi mag eeffort din silang magexplore at matuto, maganda turuan lang ng basic tapos hayaan silang mag trade or mag invest pag may alam na sila, un kasing iba siansabi kung ano ung bibilhin tapos pag wrong timing yung napasukan at nasunog yung investment, ang sisi eh dun sa nagsabi kasi nga hindi alam kung ano yung ginagawa basta lang bili at antay tapos kakabahan pag bumulusok pababa at magbebenta ng wala pakundangan sa kaba na malugi ng mas malaki.
Kaya mahirap magshare lalo sa mga taong closed minded dahil kung makombinse sila na mag invest ay baka hindi rin sila mag saliksik at umaasa lang na puro bullish ang merkado. Di ko rin maintindihan bakit meron mga magka interest pero ayaw naman mag extra effort like research, etc.
Ngayon ay nagshare ulit ako sa iilang close relatives at friends about crypto dahil maganda ang takbo nito. Pero paulit ulit kung sinabi sa kanila na dapat mag invest ng pera na kayang mawala although di naman talaga siya mawala unless ilagay mo sa leverage trading o di kaya mga shitcoins at meme coins.
Oo totoo yan, napakahirap yung pakiramdam na masisi ka, yung bang tipong ang intensyon mo makatulong lang then in the end ikaw pa yung masisising masama. Kaya nga mas maganda yung manahimik nalang tayo.
sabihin nalang natin na magresearch kana lang kung talagang interesado ka talagang malaman itong cryptocurrency o bitcoin. At least dun makikita nila sa kanilang sarili kung talagang pursigido sila at interesado silang malaman ang itong ginagawa natin.
Tama yan, yung basic na dapat nilang alamin mababasa naman yan sa online wag basta basta pasok ng pasok dapat alam mo yung kalakaran at alam mo ihandle yung risk ng pinapasukan mong investmene bago mo pakawalan yung pera mo.
Yep, okay lang naman yung magtanung, pero kung pati ba naman yung step by step na gagawin ay itatanung pa sa atin hindi na tanung yun sa halip panggugulang na yun sa taong may alam sa field na itong ginagalawan natin sa totoo lang naman.
Kaya tama yung nabasa ko sa kabilang forum na magpretend nalang na wala kapang alam or sabihin mo nalang din na baguhan ka palang din kesa naman yung gumawa ka na ng mabuti ikaw pa masama sa huli. Medyo nakakainis yung ganun sa totoo lang kabayan.