- Saka binabalita din naman yan sa mga mainstream media, sadyang may mga ibang tao lang talaga na ewan ko ba kung bakit hindi nila alam ang ganyang mga bagay. Naging rampant nga yan last year sa gcash hacking isyu diba, yung hinihingi yung OTP tapos hindi nila alam na maphished na pala yung account nila.
Kaya nga hangga't maari ay iremind natin ito sa ating mga kakilala, tayo kasing mga community dito sa forum aware na tayo sa ganyang bagay kaya hindi talaga tayo mabibiktima ng ganyang uri ng mga scammers.
Kahit naman sa inbox tulad ng Gcash nagpapadala rin ng paalala at kung magpapalit ka ng cellphone o information lagi namang may paalala tungkol sa OTP kaya kung ma hack ka pa rin dahil sa OTP ay may kakulangan ka na rin o may iba umaacess ng cellphone mo.
Wala pa akong natatanggap na scam phone call pero kung if ever meron man i veverify ko muna ito sa provider ko at ibibigay ko rin ang number ng tumawag para kung scam nga ay ma trace nila ito at makapag bigat na rin ng warning.
Oo tama ka dyan saka iba na ang gcash ngayon dahil mas lalong naghigpit sila ngayon, dati kasi kapag nagdownload ka ng gcash sa dalwang mobile phone mo ay pwede mong maaccess yung dalwang phone mo sa gcash. Pero ngayon, iba na at hindi na ganyan ang ginagawa nila.
Dahil, kung ano yung nirehistro mo na phone sa gcash ay dun mo lang ito pwedeng mabuksan kung saan nakarehistro yung gcash na phone. Dahil bago mo maacess yung gcash mo sa ibang phone ay dapat iunregistered mo muna yung phone na nirehistro sa gcash. Para sa akin okay ito sa aking palagay, pero ang hindi lang maganda ay kapag nanakaw naman yung phone mo na kung saan nakrehistro yung gcash mo na phone. Kaya mabuti nalang din kahit papaano matalino si Op.