Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippine peso Stablecoin
by
bettercrypto
on 17/05/2024, 06:33:04 UTC
Sa USDT kasi, walang kontrol ang gobyerno natin. Dito naman sa Philippine stable coin ay mayroong kontrol ang BSP sa pagproduce ng supply at mas makakapag intervene ang ating gobyerno dahil regulated si coins.ph ng BSP natin. Kaya kung para sa akin lang, maganda ito at madami tayong choice. Kung saan magkakaroon ng demand, siyempre doon tayo pupunta at tignan natin kung ano ang magiging response ng sambayanang Pilipino crypto people tungkol kapag nasa market na.

          -   Kahit pa sabihin natin na may kontrol ng Bsp yan kung hindi rin gagamit ng ibang network yang stablecoins na pinag-uusapan natin dito ay matutulad lang din yan sa mga unang nagsilabasan na stablecoins katulad ng ngyari sa Unionbank na halos hindi nga natin naramdaman sa totoo lang diba?

Kaya kung gusto nilang mapansin yan ng mga kababayan natin dito sa bansang pinas ay dapat magkaroon din sila ng wrapped sa iba't-ibang network ng blockchain na katulad na ginagawa ng ibang mga crypto na dinaan din nila sa wrapped coins.
Oo nga no, meron pala yung sa Unionbank pero kasi competition yan sa mga bangko kaya mahirap i-adopt yan at hindi nila solo ang market nila sa bansa natin kaya ang sakop lang nila ay yung mga loyal customers nila. Hindi tulad dito sa stable coin ni coins.ph posibleng makuha niya din ang customers sa iba't ibang mga bangko na gusto gumamit nito. Kung sa network lang, madali lang naman yan kung gusto talaga nila magkaroon ng malawak na adoption, yun ang gagawin nila na puwede sa erc20, trc20, matic, bsc, at iba pang network na ginagamit nating lahat at tama ka dun kabayan. Tutal may experience naman na sila at may ideya sila sa market nila, sinasabi nila na millions ang users nila pero actually malayo na sa margin yung mga total active users nila kaya challenge din yan sa kanila.

Totoo naman na milyon na talaga ang users nila worldwide, pero before yun sa tingin ko 2017-2019 then after ng mga taon na yan sobrang dami ng nawala sa coinsph na kanilang mga naging users.

At ano bang mag reason? Diba nga yun ay ang bigla nalang siila nagfreeze ng mga account at kung ano ano nalang na mga documents nag hinihingi nila. dapat yung ganitong serbisyo nila ayusin nila.