Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippine peso Stablecoin
by
arwin100
on 20/05/2024, 11:15:10 UTC
Totoo naman na milyon na talaga ang users nila worldwide, pero before yun sa tingin ko 2017-2019 then after ng mga taon na yan sobrang dami ng nawala sa coinsph na kanilang mga naging users.

At ano bang mag reason? Diba nga yun ay ang bigla nalang siila nagfreeze ng mga account at kung ano ano nalang na mga documents nag hinihingi nila. dapat yung ganitong serbisyo nila ayusin nila.
Hindi lang sa biglaang pag freeze nila ng account kundi yung pagpapababa din ng limits parang bagong take over lang din ata ni Wei noong panahon na iyon. Dati talaga millions ang users nila dahil sa rebates sa loads at bills pero tinanggal nila at malaki din siguro ang cost nun sa kanila dahil parang promo feature lang yun, sana lang ibalik nila at maging competitor ulit sila ni Gcash. Ngayon, sila na ang kinakalaban dahil may gcrypto na. May nabasa ako at pagkakaalala ko parang 100k-200k nalang ang active users nila, nalang? madami pa rin pero mas madami yung nawala sa kanila.

Experience ko din yang pagbaba ng limit at hinayaan ko nalang di nako nag habol pa sa kanilang support dahil may ibang alternative wallet naman na pwede magamit kaya iwas nalang talaga sa paggamit sa kanila lalo na pag malaking funds yung e transact natin since may track record na si coins na pangit sa mga ganyan. Ewan kung iisipin ko bang mag avail ng Peso stablecoin nila since para sakin mas maganda parin ang USDT dahil mas magagamit pa natin ito. Kung mag trade man tayo sa coins.pro para makaiwas sa malakihang fee ay andyan din naman si XRP na magagamit natin kaya para sakin di ko magagamit yang stable coin nila since para sakin may mas maganda pang e avail kaysa sa kanilang sariling gawa.