Pano kasi nagagamit pa naman yung mga new sim para ipang tawag agad tapos may expiration langna binibigay para I registered yung sim meaning dating gawi pa dn yung mga scammer since disposable sim card naman talaga ang gamit nila.
Dapat talaga ay hindi pwedeng ipangtawag or message ang sim card kapag hindi pa KYC registered para sa mga bagong sim para wala tlagang scammer.
Hanggang ngayon ay may mga tumatawag pa dn sa akin na scam bank dahil alam nila yung record ng bank details ko. Iniiba lng nila yung date pero bumabalik balik lang dn sila,
Madali na ngayon malaman kung spam ang isang tawag, at magandang practice ang hindi agad sumagot sa hindi kilalang numero basta aware ka sa mga ito at lalo na kung wala ka naman talaga inaasahan na tawag.
Kahit nga sa mga online deliveries or parcel, malalaman mo naman na meron magkokontak sayo dahil nagsesend muna sila ng SMS bago magdeliver.
Ok din naman yung system na nagfi-filter ng mga scam calls, auto blocked kapag na detected na suspicious.
Pero lately, ang dami ko na naman natatanggap na mga spam texts tapos may mag kasamang links na related sa sugal. Di ko alam pano na expose number ko sa kanila. Tsk.