Tingnan natin si Harden at si Paul George kung babalik sa Clippers o lilipat dahil may ugong ugong rin na baka sa Philly lumipat si Paul George.
Si Paul mukhang di na babalik. Pero siguro kung babalik si Harden sa Clippers ay baka babalik rin PG13. Nakadepende siguro sila kung sino makasama dahil sa point ng career nila ngayon ay ayaw nila sa losing team. Kung ako PG13, ayaw ko na siguro makasama si Kawhi dahil parati rin naman injured. Si Harden marami pa rin teams gusto siya kunin.
Pinaparinggan ko nga rin tropa ko na panay praise kay Edwards. Next face in the NBA raw. Nakalagpas lang ng 2nd round sa playoffs naging hyped masyado. Partida 3 silang superstars ng team habang si Luka sa kanyang early years ang dami ng achievements. Si Tatum din mas maraming achivement kaysa kay ANT. Bata pa si Tatum abot na ng eastern conference finals kalaban nina Lebron.
Tignan natin kung anong gagawing improvement ng lakers after magpalit ng coach at ng mga staff nito, malamang meron din player movements ang lakers kung magpupursige silang itabla ulit ang rankings.
Si Reddick na ang bagong coach sa next season ng Lakers. Tingin ko maraming changes dapat. Di na magwork partnership nina Lebron at AD. Habang meron na speculations na naghahanap ng big trades ang GSW. Mukhang may mawawala either Draymond, Klay at CP3.