- Ang mali kasi sa mga opisyales ng gobyerno natin ay kokopya narin lang naman pala ng ganitong mga bagay sa ibang bansa ay hindi pa nilubos ang pagkopya, sana ginaya narin nila yung ginagawa sa Singapore na kapag bumili ka ng simcard dun ay yung mismong dealer o retailer ng simcard na mismo ang magrerehistro ng simcard na bibilhin mo dahil sila kasi ang mananagot kapag hindi nila yun ginawa.
Dito kasi sa atin hindi ganun ang ginawa basta bumili ka lang ng simcard ay ikaw na bahala magrehistro at yung simcard ay may expiration lang bago ito madeactivate ng 2 or 3months ata kapag hindi narehistro. Siempre ang haba ng duration period para makapangscam sila ng mga kababayan natin at kapag natapos na yung due ay bibili ulit sila ng simcard, diba?
Ang nangyari sa atin ay parang for the sake lang kumbaga na tulad na tayo ng ibang maga bansa na registered mga sim cards. Pansin ko nga doon sa Singapore at sa ibang bansa rin na nakabili ako ng simcard ay kakaiba. Automatic sa mismong credited store ka lang makabili ng sim cards at hindi yung kahit saan-saan lang. At automatic e-reregister ka nila doon sa pagbili mo pa lang ng sim card. Hihingi sila ng mga details sayo at sympre ID. Pag meron mga kulang na need nilang details o di kaya mga ID na unacceptable sa standard ay di ka makabili ng sim card.