Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Scam phone call scheme
by
Mr. Magkaisa
on 24/06/2024, 13:53:21 UTC
Pano kasi nagagamit pa naman yung mga new sim para ipang tawag agad tapos may expiration langna binibigay para I registered yung sim meaning dating gawi pa dn yung mga scammer since disposable sim card naman talaga ang gamit nila.

Dapat talaga ay hindi pwedeng ipangtawag or message ang sim card kapag hindi pa KYC registered para sa mga bagong sim para wala tlagang scammer.

Hanggang ngayon ay may mga tumatawag pa dn sa akin na scam bank dahil alam nila yung record ng bank details ko. Iniiba lng nila yung date pero bumabalik balik lang dn sila,
Madali na ngayon malaman kung spam ang isang tawag, at magandang practice ang hindi agad sumagot sa hindi kilalang numero basta aware ka sa mga ito at lalo na kung wala ka naman talaga inaasahan na tawag.

Kahit nga sa mga online deliveries or parcel, malalaman mo naman na meron magkokontak sayo dahil nagsesend muna sila ng SMS bago magdeliver.

Ok din naman yung system na nagfi-filter ng mga scam calls, auto blocked kapag na detected na suspicious.

Pero lately, ang dami ko na naman natatanggap na mga spam texts tapos may mag kasamang links na related sa sugal. Di ko alam pano na expose number ko sa kanila. Tsk.

Same here, super dami kung calls at messages na mga unknown numbers at siguro nearly half sa kanila tungkol sa pasugalan kung saan hindi ko rin naman nashare. Kaya walang silbi ang sim card registration. Parang ang dali lang yata makakuha ng mga sim cards mga scammers ngayon. At pwede rin magspam ng registration or possible madali lang mamanipulate ang system.

Malaking tulong talaga ang system ng mga phones ngayon na pwede mapunta sa spam mga unknown numbers. Lahat ng calls na di registered di ko na sinasagot.

       -   Ang mali kasi sa mga opisyales ng gobyerno natin ay kokopya narin lang naman pala ng ganitong mga bagay sa ibang bansa ay hindi pa nilubos ang pagkopya, sana ginaya narin nila yung ginagawa sa Singapore na kapag bumili ka ng simcard dun ay yung mismong dealer o retailer ng simcard na mismo ang magrerehistro ng simcard na bibilhin mo dahil sila kasi ang mananagot kapag hindi nila yun ginawa.

Dito kasi sa atin hindi ganun ang ginawa basta bumili ka lang ng simcard ay ikaw na bahala magrehistro at yung simcard ay may expiration lang bago ito madeactivate ng 2 or 3months ata kapag hindi narehistro. Siempre ang haba ng duration period para makapangscam sila ng mga kababayan natin at kapag natapos na yung due ay bibili ulit sila ng simcard, diba?