Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Nagdistribute na ng Bitcoin ang Mt Gox!
by
AbuBhakar
on 05/08/2024, 14:09:29 UTC

So far wala akong nakikitang pinoy na may claim sa Mt.gox at  tingin ko sobrang kunti palang ng mga pinoy ang nakilahok sa alinmang aktibidad na may kinalaman sa crypto. Since wala pa talaga akong topic na nakikita na nag claim na isa sila sa biktima ng past scamming issue ng Mtgox. Pero kung may biglang lumitaw at mag pakita ng kunting proof ay sobrang swerte narin nila kung isa sila sa nabigyan ng refund dahil tiyak sobrang laking halaga ang nakuha nila lalo na ngayong sobrang taas ng presyo ni bitcoin.

Tinry kong hanapin yung sinasabi mong post or topic pero di ko nahanap yun, baka natabanunan lang sa sobrang luma na talaga ng issue na yan.



Totoo ito. Kasi kahit dati na medyo late na ako sa Bitcoin around 2014 ay sobrang konti pa dn ang mga pinoy na mahilig mag crypto trade more on ponzi, hyip at faucet pa ang inaatupag ng lahat or kung may mga OG man tayo dito ay focus sila sa mining at P2P transactions dati.

Wala kasi akong info sa Mt Gox kung pwede ba mag register ang lahat dati at need ng KYC or wala pang KYC dati. C-cex yata ang pinaka matandang exchange ang naabutan ko noon kasabay ng yobit.

Kung meron man sigurong pinoy na may claim sa Mt Gox, sigurado private lng sya since more on privacy seekers lng ang papasok sa Bitcoin sa panahon ng Mt Gox.