Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Ronin nacompromise nanaman
by
bhadz
on 27/08/2024, 14:31:15 UTC
Ganyan lang talaga dito sa market at sa mga ganitong projects. Tiwala at pera lang ang puhunan, naging okay naman sila dati kaso kapag may isa pang breach na mangyari in the future tingin ko katapusan na nila. Kahit sobrang optimistic nila at ng mga users nila, investors pa rin at traders ang magdidikta ng demand nila sa market at kapag nawala na confidence ng mga yun, sigurado bagsak ang presyo ng mga native tokens nila kaya kung may mga resources pa silang natitira, iinvest na din nila pero sa security na.

Nakabangon din naman agad sila and I think ok na yun since wala naman masyado na apektuhan sa latest hack na nangyari sa kanila. Ang siste lang ay pinakaba ng white hat hackers ang mga tao at kumobra lang ng bountry rewards sa Skymavis.

Kaya wag nalang talaga mag invest ng panibago sa kanila dahil napaglipasan na sila at mahirap na bumalik yung dating price since yung tiwala ng tao ay nabawasan na talaga. Sa ngayon e enjoy nalang yung makukuha sa bounty rewards habang meron pa dahil dun makabawi ng paunti unti yung mga nalugi at patuloy na gatasan ng kaunti para naman dun sa mga kumita na dati.
Iwas nalang talaga sa mga nag iisip pa, meron akong mga kaibigan na kahit ganon yung nangyari ay parang gusto pa rin mag invest sa ronin token. Yun ang feeling nila na puwedeng tumaas pa rin at kapag mga ganyang galawan daw ay bigla na lang daw papalo yan pataas. Posible naman talaga pero base sa mga experiences natin, mas mainam nalang na umiwas kung gusto mo talagang mag invest, sa bitcoin nalang at iba pang mga projects na hindi pa masyadong pumapalo o kaya stable simula noon pa man.