Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Ronin nacompromise nanaman
by
Fredomago
on 28/08/2024, 12:39:40 UTC
Nakabangon din naman agad sila and I think ok na yun since wala naman masyado na apektuhan sa latest hack na nangyari sa kanila. Ang siste lang ay pinakaba ng white hat hackers ang mga tao at kumobra lang ng bountry rewards sa Skymavis.

Kaya wag nalang talaga mag invest ng panibago sa kanila dahil napaglipasan na sila at mahirap na bumalik yung dating price since yung tiwala ng tao ay nabawasan na talaga. Sa ngayon e enjoy nalang yung makukuha sa bounty rewards habang meron pa dahil dun makabawi ng paunti unti yung mga nalugi at patuloy na gatasan ng kaunti para naman dun sa mga kumita na dati.

Bukod sa hacking ncident at pagiging incompetent ng mga developer, meron pa bang karapat dapat na dahilan para magpasok ng pera dito sa larong ito na matatabunan ang mga nasabing kapalpakan ng developer?  Puro lang sila hype at implement ng pwedeng pagkagastusan ng mga players like new games features at iba pa while hindi naman nila naeestablish ang stability ng kanilang mga token.

Ang problema pa kung gusto natin makakuha ng bounty, need munang gumastos para magkaroon ng pagkakataong makakuha ng reward sa mga tasks.  Parang ponzi scheme lang din ang datingan, iyong ginastos pangbili ng mga requirements para makasali sa bounty program ay unti-unti ibabalik through reward system which more likely than not eh hindi mababawi ang investment na ipinasok.

Para kang ginisa sa sariling mantika kabayan, kaya medyo mahirap yan at sugal ang mangyayari sa pagdagdag or pagpasok mo ng investment mo, medyo mahirap na kasi sa panahon ngayon kaya lang meron pa rin talagang mga sumusugal at nagbabakasakali kaya patuloy pa rin ung developers na nagiisip ng pwedeng magamit na pang attract, kadalasan din kasi nasa tao yan kahit ano pang babala or kahit ano pang mabasa or mabalitaan ung tiwala isusugal talaga sa pagbabakasakaling umangat pa nga ulit.