Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Ronin nacompromise nanaman
by
Mr. Magkaisa
on 28/08/2024, 21:34:25 UTC
Nakabangon din naman agad sila and I think ok na yun since wala naman masyado na apektuhan sa latest hack na nangyari sa kanila. Ang siste lang ay pinakaba ng white hat hackers ang mga tao at kumobra lang ng bountry rewards sa Skymavis.

Kaya wag nalang talaga mag invest ng panibago sa kanila dahil napaglipasan na sila at mahirap na bumalik yung dating price since yung tiwala ng tao ay nabawasan na talaga. Sa ngayon e enjoy nalang yung makukuha sa bounty rewards habang meron pa dahil dun makabawi ng paunti unti yung mga nalugi at patuloy na gatasan ng kaunti para naman dun sa mga kumita na dati.

Bukod sa hacking ncident at pagiging incompetent ng mga developer, meron pa bang karapat dapat na dahilan para magpasok ng pera dito sa larong ito na matatabunan ang mga nasabing kapalpakan ng developer?  Puro lang sila hype at implement ng pwedeng pagkagastusan ng mga players like new games features at iba pa while hindi naman nila naeestablish ang stability ng kanilang mga token.

Ang problema pa kung gusto natin makakuha ng bounty, need munang gumastos para magkaroon ng pagkakataong makakuha ng reward sa mga tasks.  Parang ponzi scheme lang din ang datingan, iyong ginastos pangbili ng mga requirements para makasali sa bounty program ay unti-unti ibabalik through reward system which more likely than not eh hindi mababawi ang investment na ipinasok.

Sa mga nangayaring yan at haba ng panahon na walang magandang kaganapan sa kanila wala na talagang dahilan para magpasok pa ng pera sa proyekto nila. Sobrang hirap na talagang kumita dyan at ewan lang natin kung makakabangon pa ang axie sa pagkakalugmok nila. Di na din nila kaya na bigyan ng much bigger rewards ang mga tao dahil baka yun pa ang dahilan ng kanilang mabilisang pagbagsak. Kaya sa mga gustong sumobok wag nalang nilang balaking pasukin pa ito napaglipasan na talaga sila ng panahon. Siguro takot lang sila ewan ng basta basta to dahil sobrang expose ng identity nila sa publiko.

Ginagawa ko mga task sa bounty nila at libre lang naman. Basta ba may old axie kapa ay kikita ka parin kahit kunti. Hindi nako gumastos pa ng panibago at pinagtiyagaan ko nalang gatasan ang luma kong axie dahil wala nading amor sakin tong larong to since sobrang klaro na wala tayong mapapala kung gagastos pa tayo ulit.

         -        Ang mali kasi nga Axie masyado silang nagpakakampante, masyado silang nalunod sa kasakima n, hindi nila binigyan importansya yung dahilan kung bakit sila nakatamasa ng fame at wealthy kaya ngayon kumilos man sila hindi nadin ito papansinin ng mga dating sumuporta sa kanila.

Isipin mo kahit anong gimmick na gawin nila wala ng malaking epekto sa mga crypto community, kaya kung ako sa axie magisip nalang sila ng ibang coins na hindi iisipin ng iba na sila parin ang nasa likod nito, at dapat sumabay narin sila sa trend na meron tayo ngayon.