Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Ronin nacompromise nanaman
by
arwin100
on 01/09/2024, 11:23:20 UTC
Sa mga nangayaring yan at haba ng panahon na walang magandang kaganapan sa kanila wala na talagang dahilan para magpasok pa ng pera sa proyekto nila. Sobrang hirap na talagang kumita dyan at ewan lang natin kung makakabangon pa ang axie sa pagkakalugmok nila. Di na din nila kaya na bigyan ng much bigger rewards ang mga tao dahil baka yun pa ang dahilan ng kanilang mabilisang pagbagsak. Kaya sa mga gustong sumobok wag nalang nilang balaking pasukin pa ito napaglipasan na talaga sila ng panahon. Siguro takot lang sila ewan ng basta basta to dahil sobrang expose ng identity nila sa publiko.

Ginagawa ko mga task sa bounty nila at libre lang naman. Basta ba may old axie kapa ay kikita ka parin kahit kunti. Hindi nako gumastos pa ng panibago at pinagtiyagaan ko nalang gatasan ang luma kong axie dahil wala nading amor sakin tong larong to since sobrang klaro na wala tayong mapapala kung gagastos pa tayo ulit.

         -        Ang mali kasi nga Axie masyado silang nagpakakampante, masyado silang nalunod sa kasakima n, hindi nila binigyan importansya yung dahilan kung bakit sila nakatamasa ng fame at wealthy kaya ngayon kumilos man sila hindi nadin ito papansinin ng mga dating sumuporta sa kanila.

Isipin mo kahit anong gimmick na gawin nila wala ng malaking epekto sa mga crypto community, kaya kung ako sa axie magisip nalang sila ng ibang coins na hindi iisipin ng iba na sila parin ang nasa likod nito, at dapat sumabay narin sila sa trend na meron tayo ngayon.

Siguro yun din naman ang intention nila unahin nila ang kanilang kompanya bago ang interest ng iba. Kasi ang labas sila padin ang parating nasusunod at na itsapwera ang interest ng kanilang community  at dahil dun marami talaga ang nagalit at umalis lalo na nung pabagsak ng pabagsak ang presyo ng SLP. At tuluyan na ngang nawala ang karamihan nung tinanggal nila ang SLP earnings which is malaking pagkakamali talaga nila.

Although gusto nila e salba ang presyo ng SLP pero sa ganung paraan naman nawalan ng interest ng manlalaro nila. Kung dati palang na tinigil nila ang pag mint ng slp o magkaroon ng fix supply at ginawa tong mga bagay na nagawa nila ngayon baka me tyansa pa sana silang lumago. Pero wala eh sadyang itinadhana na talaga na tumumba ang company nila at ngayon struggling na talaga sila at yung bounty nalang yung bumubuhay sa interest ng iilang mga taong naglalaro ng axie ngayon.