Ang problema lang kasi talaga sa mga kababayan natin, e medyo mapagpaniwala sa mga ganitong sobrang obvious na scams. Masyadong makapit sa mga pangako ang karamihan sa mga Pilipino kaya kahit na obvious na kukunin lang ang pera nila e sige pa rin sa invest.
Meron akong kilalang doktor na kumikita naman ng malaki dahil meron silang sariling private na ospital. Nakareceive lang ng SMS blast from an unknown number na nangangakong magbabalik ng 110% investment in 1 week e nagpadala agad ng 300k + 100k na hindi iniisip na talamak ang mga ganitong uri ng kalakaran. Ayun, hanggang ngayon e nakikipag-coordinate pa rin sila sa bangko at sa mga pulis para mabawi yung pera, pero malamang e hindi na nila to makuha kasi nawithdraw na agad yung funds at hindi nagrereverse ang bangko ng mga spent funds na.
.......
Although meron din naman talagang Lending company na legit na nag ooffer ng ganito pero hindi ganyan kalaki ang return. Ito masasabi mong too good to be true or possibly scam. Tama na DYOR muna bago mag invest hindi lang sa crypto pati rin dapat sa mga ganitong sitwasyon sa mga Lending Company. Kung wala kang nakikitang feedback or review sa lending company na gusto mong pag investan ng pera mo mag duda kana. Wag yung lagay lang ng lagay.