Share mo na rin dito kabayan kung anong scam pa ang nalaman mo para maiwasan ng ating mga kababayan.
Meron din yun
fake hiring/employment scam kabayan. Madalas 'to sa mga messaging apps, telegram, whatsapp, viber pati na din sa mismong numbers natin na may tatawag na hiring daw sila at kung may ilang minuto ka para makinig ng proposal nila. Walang masyadong info sa company, tapos kapag ininterview ka na parang normal process of hiring lang tapos magugulat ka nalang na sasabihin ay tanggap pero sisingilin ka ng application/approval fee para magkaroon ka ng trabaho. Kaya nga tayo nag-apply para magtrabaho hindi para gatasan nila.