Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Sa mga may GCASH CASH-IN/CASH-OUT BUSINESS dyan
by
arwin100
on 11/02/2025, 08:55:21 UTC
Any inputs mga boss kung ano ang best way para makatipid sa transfer fees? Like anong bank/digital bank/or any platforms ang mas maganda gamitin pang transer ng funds to GCASH or something like that etc. Of course aside sa dapat malakihan agad ang itop up sa wallet.


I think BPI at Unionbank ang may pinaka less fees sa mga bank option na maari mong piliin pero check mo nalang siguro kung may pinag bago ba sa fees nila baka nag update na. Kaya maganda rekta kana sa pinakamalapit na branch para makakuha ng magandang inputs sa kanila.

Another question, any suggestion sa dapat kong ilagay na fees sa cashin/cashout? Pero naisip ko dito gayahin ko na lang iyong majority ng mga tindahan dito for example: cashin (Php 500 + 10) cashout (Php 500 + 15) then from Php 1000 add Php 20 pesos or basta malapit sa rates na yan.

Ang tanong kung nag rerenta kaba ng pwesto? If Oo sunod ka nalang sa standard fees nila para at least nakakasabay ka sa ibang tindahan na malapit sa inyo. Pero kung sa inyo ang pwesto at wala kang binabayarang iba ay magpapababa ka ng fees. Bawi ka nalang sa volume dahil for sure marami ang mag cashout sa inyo kapag nalaman ng mga tao na makakatipid sila sa fees kompara sa ibang tindahan. Pero ready mo lang talaga sarili mo baka awayin ka ng iba mong ka kompetensya. Sa business matira ang matibay kaya always choose na may advantage ka para mas tumagal pa ang business mo.