Another question, any suggestion sa dapat kong ilagay na fees sa cashin/cashout? Pero naisip ko dito gayahin ko na lang iyong majority ng mga tindahan dito for example: cashin (Php 500 + 10) cashout (Php 500 + 15) then from Php 1000 add Php 20 pesos or basta malapit sa rates na yan.
This is the most common rate, kung madami kayo diyan sa area niyo for the purpose of Gcash cash in/out mas mabuting mag stay ka for that rate or mas mababa pa (not recommended). Also, dito samin, pag 1k-1.5k ay 25 na.
Any inputs mga boss kung ano ang best way para makatipid sa transfer fees? Like anong bank/digital bank/or any platforms ang mas maganda gamitin pang transer ng funds to GCASH or something like that etc. Of course aside sa dapat malakihan agad ang itop up sa wallet.
Seabank. May 25 free transfer at na re-refresh every monday. Seabank lang ata may ganitong numbers ng free transfer aside from GoTyme which is mas mababa.
Also, be warned sa mga gusto magpa cash in/out na gusto mag pic "kuno" sa phone mo for the reference # and proof of transfer na which is valid naman.
May case dati na nag they use the number nung one of the store na may business na ganito to link the gcash # sa lazada para makapag online shop. The scenario is, since mostly ang gcash number ay available sa store already either naka print or nasa qr code na, kinupya yung # ng scammer to link it on their lazada account. Syempre legit yung transaction na nag pag cash in, nagbigayng pira then wait until you send it to their number na binigay nila, tapus pi-picturan daw phone mo para proof kase usually reason nila nagpa cash out lang hindi sa kanila, at that time na link na nila yung gcash # ng store to lazada then waiting sila for OTP kaya for the reason na pi-picturan daw pero naka video iyon para makita/mahagip ang OTP number which is nag so-show sa notification. Pag successful yung ginawa nila saka sila aalis then maya-maya ayun may bawas na sa Gcash balance ng store owner dahil sa nangyari.
Kaya be aware sa ganitong scheme, if may gustong magpicture ng reference # ng gcash transfer, ikaw na mag picture wag sila or airplane mode ka saglit para walang text na ma receive ng phone mo for the text notif ng OTP.