Any inputs mga boss kung ano ang best way para makatipid sa transfer fees? Like anong bank/digital bank/or any platforms ang mas maganda gamitin pang transer ng funds to GCASH or something like that etc. Of course aside sa dapat malakihan agad ang itop up sa wallet.
Seabank ata parang may 15 free transfers weekly. BPI kasi may fees na yung transfer at aalisin na nila yung transfer to ewallet(Gcash at Maya). At sa mga kiosks ng SM at Robinsons parang may mga free cash in kaya kung may mall diyan na malapit sa inyo, check mo yung free cash ins nila.
Another question, any suggestion sa dapat kong ilagay na fees sa cashin/cashout? Pero naisip ko dito gayahin ko na lang iyong majority ng mga tindahan dito for example: cashin (Php 500 + 10) cashout (Php 500 + 15) then from Php 1000 add Php 20 pesos or basta malapit sa rates na yan.
Ang mahal pala ng rates sa inyo, dito sa amin ang dami na ring kumpitensya kaya ang 1k pesos cashin/cashout ay 10 pesos ang fee. Pero kung gusto mo maging matatag, wala namang problema na makipagsabayan ka sa rates at pababain mo yung rates diyan.