Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Employment Scam using Shoppee and Lazada on Viber
by
Mr. Magkaisa
on 19/02/2025, 10:36:11 UTC
Ang nakakapagtaka lang sa mga scammer na ito ay bakit ang lakas pa dn ng loob nila mang scam while may sim card registration act na which means connected na sa identity nila yung number or else gumagamit sila ng mga fake/purchased KYC documents para ma activate yung sim na ginagamit nila pang viber at telegram.

Today nakareceived nanaman ako sa Viber ng ganitong offer tapos gumagamit sila ng mga profile picture ng ibang tao para mangscam.

Yung sim card verification law ay hindi naging mahigpit ang mga ito, marami rin ang nagtry ng  ID na gamit ay cartoon character or pekeng ID at nakalusot.  yung iba nga mukha pa ng hayop.

https://newsinfo.inquirer.net/1826992/fake-ids-with-animal-faces-pass-sim-registration

marami ring Gcash and Maya account ang fake identity o nabili lang nila sa ibang tao.

Ang dami kong na encounter na ganyan sa Viber at mapa Telegram. Mayroon agad mag ppm "Hello po". Automatic pag mayroon nag PM sakin ng ganyan, block and delete agad eh. Ayaw ko na makipag kahit ano kasi alam ko yan yung mga mag ppm na "1500 per day" or something like that.

Hindi ko na talaga alam din kung saan nila nakukuha number koo, minsan nakakainis lang talaga. Sana wala na silang mabiktima na iba.

Sana, sila yung araw-araw na mabiktima para malugi na sila at matigil na ang kalokohang ito.
Pero hindi man sila makapang biktima na, may uusbong ulit na bagong pang iiskam. matatalino ang tao lalo na pag sa kasamaan.

gaya ng sabi ko nung nakaraan at dadagdagan ko na rin. hindi na safe ang number mo kung

1. nakapag fill-up ka na sa credit card applications, lalo na sa mga mall.
2. Home credit
3. Mga lending company
4. nag comment ng number with !notify sa mga streamer
5.  etc.etc.etc



Kaya lumalabas talaga na wala ding silbi yung sim card registration na inakala ko na maganda at iwas scam na, pero nagkamali ako ng inisip sa ginawa na ito ng gobyerno natin.

Parang nagkaroon pa nga ng kaligtasan yung mga scammer at magnanakaw na ito sa nangyari na sim card registration, kasi yung Identity ng totoong scammer is nakatago at iba ang gamit.
Maganda ang batas na SIM card Registration na ito, mali lang ng pagpapatupad, mali lang ang ginamit na teknolohiya. Nagawa na ito sa ibang bansa. maganda naman ang naging resulta.