Post
Topic
Board Pamilihan
Re: NBA discussion, betting and etc.
by
blockman
on 25/04/2025, 07:26:03 UTC
Ang bilis ng pangyayari, kailangang kailangan talaga si Jimmy lalo na kapag ganitong playoffs. Dito talaga siya malakas maglaro sa totoo lang kaya Buckets talaga tayong lahat kapag siya naglalaro kahit sa mga nakaraang season kahit na may mga injury din siya. Pero itong nangyari sa kaniya, hindi inaasahan dahil physicalan talaga. Wala pang balita kung kailan siya pwede maglaro dahil yung pagkakabaldog niya sobrang lakas. Ito namang si Ime Udoka, nataon pa na narecord na sabi niya di bale na daw na pisikalan na ang laban, hindi naman daw tatawagan sila ng referee kung sakaling makita. Ang siste, nangyari tuloy yung kay Amen na natulak ni Draymond kahit na maganda pinakita ni Draymond, olats pa rin sila.

Saklap nun ginawa ng mga officials sa game yan andaming hindi napituhan kaya sablay ung coach ng Rockets kasi sumabay un nasabi nya dun sa mga nangyari sa game, problema ngayon ng GSW yan kung hindi makabalik agad si Butler, hindi ko lang sure kung hinog na ba si Kuminga tignan na lang natin sa homecourt nila sa game 3 kung paanong adjustment gagawin ni coach Kerr.
Parang may nabasa ako kani kanina lang na hindi pa ata makakabalik si Butler sa susunod na game. Laging ganito nalang nangyayari sa kaniya sa playoffs.

Update pala sa game kanina after ni Butler si Ja Morrant naman parang same un nangyare ang taas din ng binagsakan out na sya sa rest ng game ganda na ng simula nila tinambakan ni lang ng higit 20 points un OKC before na injury si Ja' ngayon dinadahan dahan sila ng OKC last quarter medyo mahaba pa oras madami pang pwede mangyari sa game.
Mga key players nawawala at pabor ito sa mga opponents nila. Noong nandun pa si Ja sa game, sobrang lamang nila tapos noong na injure na, saka nalang naabutan at natalo na sila ng tuluyan. Ang laking ambag talaga nitong mga ito. Ewan ko lang din kung makalaro siya sa susunod nilang game dahil ito na yung mga games na pinakacrucial sa kanilang lahat at momentum na ito.