Post
Topic
Board Pilipinas
Re: 12% VAT on Digital Services
by
qwertyup23
on 03/05/2025, 19:01:40 UTC
Kupal kasi talaga si Recto sa pag imposed ng E-VAT kaya lumobo sa 12% ang tax natin kahit na mababa naman ang tax percentage sa ibang bansa na di hamak na mas maunlad sa atin.
Yan ata yung unang contribution niya, to add another tax sa pagiging finance head nung na upo siya, another problema sa mga tao lol lalo na sa bansang ito na puro kurapsyon.

Di ko nga alam bakit siya yung pinalit as Sec ng finance department na ipinalit kay Diokno na dihamak na mas maraming experience dahil naging Gov ng BSP tapus daming alam sa enomiya, eto di ko alam aside sa naging head siya ng NEDA decades ago na, nag eeny, meeny, miny, moe lang ata admin ngayon sa mga head ng department, then later mag resign for so many reasons.

Very unfortunate na nagkaroon nanaman tayo ng additional tax sa digital goods. Given na tumataas nanaman mga bilihin, nadagdagan nanaman uli ng additional expenses on our part dahil dito.

Sabi nga nila, tax should be considered as the 2nd or 3rd option instead of being the 1st option when it comes to spending. Of course, additional tax means additional revenue sa government pero if wala din naman tayong nakikitang concrete na pag babago, odi parang sayang lang din lahat.

Dapat irebise spendings ng government para mababaan din ang tax. Nagagawa nga ng Pasig City na makatipid sa budget nila.
Tutal nabangit na rin ang Pasig, sila ay magandang example ng good governance kaya nga ayon sa datos nakakatipid sila ng aabot sa 1 billion, kapag ang namumuno ay tapat at may good governance malaki talaga matititpid at magagawa, kaso ang impression ng marami sa atin ay corrupt and karamihan ng mga naglilingkod sa gobyerno.
At marami din ang di qualified para gumawa ng mga tamang batas para sa ikauunlad ng bansa, tayo rin ang may kasalanan nag luluklok tayo ng mga di qualified na mamumuno sana marami pang mga Vico Sotto na dumating

Good governance should always be the foundation of a good politican. Before ka mag start ng kahit anong platform, if you focus on good governance, tuloy-tuloy ang magiging pamamalakad sa isang City to. That is why, Vico is definitely a good example sa lahat ng mga aspiring Mayors or politicians in general. Set aside your personal interest and focus on the betterment of the City!