Dapat nga matagal na meron 'to dahil sa ibang bansa matagal nang na implement ito, ngayon lang sa atin. Nasa 9% ata sa Singapore, medjo malaki naman sa EU kase may +20 depende sa bansa, sa Japan, SoKor, Vietnam nasa 10% at 7% sa Thailand.
See the numbers? laki pinagkaiba kahit yung difference na 1% ay malaking halaga na eh. Tapus hindi ka sure kung saan mapupunta tax mo unlike dun sa na mention na mga bansa. Most probably sa bulsa lang din naman ng mga pulitiko kaya ang daming ayaw sa mga added tax dahil dito unless transparent ang gobyerno. Pero mas nag worst sa admin na ito eh, ewan.
Kupal kasi talaga si Recto sa pag imposed ng E-VAT kaya lumobo sa 12% ang tax natin kahit na mababa naman ang tax percentage sa ibang bansa na di hamak na mas maunlad sa atin.
Itong bansa lang natin ang may audacity na magtaas ng tax kesa magbawas ng gastos ng gobyerno napupunta lang sa mga corrupt government projects at unnecessary spending kagaya ng ayuda.
Dapat irebise spendings ng government para mababaan din ang tax. Nagagawa nga ng Pasig City na makatipid sa budget nila.
Dinadaan ng ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng over charging sa mga materials na ginagamit sa mga development at maintenance ng mga facilities sa public works at highways. Nakakainis lang isipin na lantarang nakikita ng mga government auditors ang mga pangungurakot ng mga ahensiya ng gobyerno pero hindi nila ito tinatama at hindi man lang inihahayag ang mga overpricing na ito. Pero dahil sa batas ito ng gobyerno, wala tayong magagawa kung hindi sumunod muna bago magreklamo hanggang may isang matinong namumuno ang magsasa-ayos ng taxing.
Iyong sa meralco nga lang pati iyong mga kuryente na inaabonohan ng mga gumagamit eh dinadagdagan pa ng tax, at wala man lang ni isa sa gobyerno ang nagbibigay pansin dito.
Yung mga kalsada na gnagawa kahit ayos pa tapos may picture na project of bwakang inang politician na kala mo kanyang pera gamit sa project. Lmao
Kaya ngayon election no vote tlaga sakin yugn mga old politician na alam ko kumukuha lang ng sweldo.
Dito sa amin ganyan din ginagawa ng gobyerno, ang ayos ayos ng kalsada bubutasin tapos patatagalin ang paggawa kahit na isang maliit lang na parte ng kalsada ang inaayos, madalas umaabot ng buwan para lang makakulimbat sa pamamgitan ng pagpapatagal ng pagpapasweldo sa mga worker at overpriced na materyales. Mangungurakot na mamimerwisyo pa sa trapiko.