Dito sa amin ganyan din ginagawa ng gobyerno, ang ayos ayos ng kalsada bubutasin tapos patatagalin ang paggawa kahit na isang maliit lang na parte ng kalsada ang inaayos, madalas umaabot ng buwan para lang makakulimbat sa pamamgitan ng pagpapatagal ng pagpapasweldo sa mga worker at overpriced na materyales. Mangungurakot na mamimerwisyo pa sa trapiko.
Ghost employee and materials adjusting usually style dyan I know this kasi I have some friends working im that particular sector not necessary sila yung sinasabi but their bosses.
Pasintabi sa mga Govt officials dito pero yan ang totoo, if youre one then make sure you are clean konsensya na lang yan if dyan mo kunin sa ganyang gawain mo kukunin ang papakaen sa pamilya.
Hindi ko nilalahat pero karamihan din talaga sa mga government employees ay unnecessary or wala naman talagang real output para madeserve yung sweldo nila.
Sweldo pa lng ng mga staff ng politician na kasama sa national budget ay sobrang laki na while wala nmn talagang naiaambag yung politiko kagaya nalang nila Lito lapid, Robin Padilla at iba pa.
Idagdag mo pa yung mga tao sa munisipyo at government agency na laging tambay tapos laging galit kapag may request ka sa knila. Karamihan kasi ng government employees ay may backer na official kaya nakakapasok tapos nagiintroduce ng job para sa mga ghost worker. Sobrang laki ng pera na nasasayang sa mga pasweldo na wala naman talagang output.