Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Kamusta ang Kabuhayan sa tulong ng Bitcoin?
by
JedWafu
on 10/05/2025, 06:12:47 UTC
.. Pahingi naman ng payo mga kapatid, kailangan ko lang tlga makagawa ng resulta para sa Stage 4 pancreatic cancer ng tatay ko, almost every week ang bili ng dugo nasisimot na ang pondo ko at ng pamilya.
Nalulungkot ako sa sitwasyon mo brother, sana ay mairaos mo ang kalagayan ng Tatay mo sa ngayun at yung mga testnet airdrop ang magandang pagkakitaan para sa mga walang investment need mo lang ng mahabang pasensya at sapat na oras.
Of course kung may alam ko na skill na pwede mo i offer service section ay malaking tulong na ito hindi ko mairerecomend ang signature campaign dahil sa kasalukuyan mong rank.

Salamat sa kumento kapatid. Ayun nga rin isa kong diskarte mga testnet. Ito gumagawa ako mga projects kaugnay ng talento ko tulad ng Cybersecurity at systems development. Baka may mairecommend kayong trabaho dagdag kita para sakin kapatid. Nakakalungkot nga napagiwanan ang rank ko dito Sad

Matagal na ako dito sa Bitcointalk.org and matagal na rin ako nagbibitcoin pero sobrang bagal ng usad ng galaw at ng buhay ko sa paggamit ng bitcoin at iba pang crypto. Nagsimula ako sa faucets hanggang sa natuto ng mga kung anuanong diskarte at nakakapaginvest ng pakontikonti pero maski 1BTC hindi ako makaipon (pinakamalaki kong ipon .2 BTC wayback kopong kopong pa at na napunta lang din sa luging negosyo). Pahingi naman ng payo mga kapatid, kailangan ko lang tlga makagawa ng resulta para sa Stage 4 pancreatic cancer ng tatay ko, almost every week ang bili ng dugo nasisimot na ang pondo ko at ng pamilya.

Kinalulungkot ko yung pinagdadaanan ng tatay mo, at sa nakita ko ay nasa degenerative stage na ang tatay mo, himala nalang talaga ang pwedeng mangyari kapag naovercome yan ng tatay mo op, Saka sinilip ko kung kelan ka napadpad dito sa forum at 2013 kapa pala nandito op, nauna kapa sa akin. Samantalang ako ay 2017 lang.

Pero hindi mo manlang napataas ang rank ng account mo dito, pero sana kung meron kang skills na maiaalok sa service section natin ay pwede kang makagawa ng sideline dito for sure kung meron ka nga lang talaga. Dalangin ko na sana kung loobin ng maykapal ay tulungan ang magulang mo na pagalingin nya ito. Pasensya kana at wala din akong maibibigay na financial help sayo op.  Embarrassed

Totoo ang sinasabi mo kapatid. Sinukuan na sya ng mga doktor, pero tuloy pa rin kami sa "pallative treatment" dahil mahal namin sya at lagi kaming nagdarasal para sa himala. Sana maisama nyo sya sa prayers nyo. Noong unang punta ko kasi dito kapatid nagtry ako makihalubilo sa mga banyaga kaso di ako masyado napapansin hehe siguro dahil mababaw pa pangintindi ko sa mga bagay2. Subukan ko magpataas ng rank dito.



SALAMAT ng marami sa inyong dalawa mga kapatid.