Post
Topic
Board Pilipinas
Re: 12% VAT on Digital Services
by
arwin100
on 12/05/2025, 07:38:35 UTC
Oo tama ka dyan, wala rin naman kasi tayong magagawa na magreklamo dahil regulated business din kasi ang mga yan sa goyberno natin, katulad mo nagnotify din sa akin ang Netflix sa email ko at ayun nga yung dating 249 monthly na binabayaran ko sa kanila ay ngayon by next month ay magiging 279 pesos na ang buwanan ko, malaking bagay parin yung 30 pesos na dinagdag sa akin.

Nagdagdag ang gobyerno dahil gusto nila mas madami silang pagnakawan ng pera, sa dami ba naman ng mga pinoy sa bansa natin ay hindi lang trilllions ang pwedeng manakaw ng mga kawatang mga opisyales natin sa gobyerno sa totoo lang.

Pansin ko nga eh parang ngayong taon halos walang pabor yung nga nangyayari sa mga taong mamamayan, wala eh di pa din kase natuto ang pinoy sa pag pili ng mga taong uupo sa gobyerno maski sila tinataboy yung mga mamamayan natin nag bubulag bulagan hoping maging lesson din ito kasi ang pangako nila mas mumura ang mga bilihin at gastos pero ang nangyari is mas nag suffer tayong mga consumer kaya nakaka lungkot lang dito another expenses na naman natin ito.

Wala naman talaga silang ginawa na ikaka ginhawa ng buhay ng kanilang mamamayan. Halos lahat ng batas na ginawa nila ay pasakit para sa mga tao dahil parang ang tingin nila satin ay parang gatasan lang na kung saan kung gusto nila magka pera ay mag implement lang sila ng another tax.

Buti kung yung platforms lang na yan ang na yan ang pinatawan nila ng tax. Ang masakit pa nito ay pati din yung freelancing sites gaya ng upwork na kung saan pinatawan din nila ito ng 12% tax which is malaking kabawasan para sa mga freelancers nating kababayan. Check nyo rin ito guys https://support.upwork.com/hc/en-us/articles/40421696348563-The-Philippines-VAT-for-freelancers

Sa dami ng funds deficiency ng gobyerno dahil sa ginawa nilang pagnanakaw ito ang naisip nila para makakuha ng pera na ipapantapal nila.