Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 1 from 1 user
Re: PH SEC: 'Crypto influencers' = Financial advisors
by
bhadz
on 04/06/2025, 22:42:55 UTC
⭐ Merited by cryptoaddictchie (1)
Maraming tao na makikita ito as negative one, pero kung titignan mo yung mga tao na yun, sila-sila rin yung mga tao na gusto na maregulate ang cryptocurrency sa bansa natin. Kulit di ba? Cheesy

Anyway, maraming maaapektuhan dito negatively, pero in the long run, okay ito especially kung gusto natin na maregulate ang crypto dito. Normal lang na negative ang tingin ng mga tao dito pero pagkatapos ng ilang buwan or taon, magiging normal na lang ito at alam naman natin na wala tayong magagawa kundi sumunod na lang sa batas kasi nga "No one is above the law".
Unang impression talaga kapag titignan lang ang headline parang nakakadismaya. Ako naman medyo dismayado hindi dahil sa apektado ako, ang buong akala ko gumagawa na sila ng paraan para makapasok yung ibang international exchanges, mali pala yung nasa isip kaya mahirap mag expect. At tama ka diyan, sa ngayon negative lang ang tingin pero makaka adapt pa rin naman lahat tayo eventually lalong lalo na yung mga apektado dito na mga KOLs.

at the end of the day, pera pera parin, kung saan may makukuha pakinabang ang gobyerno duon sila wala silang pakialam if ito ay maglulugmok sa isang tao sa kahirapan, kahit nga mga lending app, sila din nagapprove, pagkatapos once na nagkaroon ng issue bibirahin nila kesho ganeto ganyan, pero nung nagsisimula palang di nila  agad tinignan, kaya sa tingin ko kung may pera sila na makukuha like tax etc, deadma din, ngaun kasi wala sila masyado magawa kaya ganyan sila, ito lang muna solusyun nila, parang tinapalan muna ung butas isip muna sila anu maganda at pakinabang, tapos saka sila magallow, pero mostly tamaan neto ung mga nagppost, pero kung hunting kalang ng airdrop di pa tayo tatamaan?
Nagre-react lang naman sila at gumagawa ng guidelines kapag may nangyari na hindi maganda. Pero as long as goods naman at tuloy tuloy, wala silang masasabi sa ganiyan. Tignan natin kung ano ang magiging epekto nito sa mga susunod na buwan dahil malapit naman na din magtapos itong bull run.

Sa tingin ko maganda in a way dahil marami na ang mga nauto sa mga KOLs lalo na nag invest tapos dinumpan lang dahil nag karoon ng liquidity from their followers. Marami na at hindi lang sa Pinas pati na rin sa ibang bansa kung saan laganap ang crypto. Sigurado mas magiging maingat at hindi na mag hahayag ng kanilang mga inooffer unless ito ay nasa isang listahan at kung ano man.
Tama, mas mareregulate na itong mga influencer na iba ang pakay sa mga followers nila. May mga strategy na din siguro silang naiisip kung paano hindi ma violate yung rules.

Kaya yung ibang mga KOL(key opinion leaders) o mga social media crypto influencers dito sa bansa natin naglabasan din sila ng komento tungkol dito.
haha, expected na yan since affected sila. that being said, madami na din kasi sila nauto, ang lakas nila mang hype ng mga project na napaka suspicious tapos pag lumabas na scam yung project tahimik lang sila or sasabihin an "biktima" din sila.

Over all I think this is a good thing, tsaka according dun sa 7.3.6.2, mukhang di naman affected at hindi ka e coconsider sa CASP if yung content is purely for educational content lang.
Puwedeng ganyan nalang gagawin nila at wala ng endorsement. Parang practical education lang kung anong mga balita ang nasasagap nila na pwede nila ireason out. Pero yung mga mahilig manghype, mukhang mag lielow na yang mga yan unless may style silang naiisip paano lusutan yan.