Tama, mas mareregulate na itong mga influencer na iba ang pakay sa mga followers nila. May mga strategy na din siguro silang naiisip kung paano hindi ma violate yung rules.
I'm not sure kung paano yung magiging strategy ng mga influencer pero sa tingin ko basta mayroon silang binigay na warning na pwede sila maubusan ng pera pag nag invest sa specific coin/crypto, siguro okay na din. Depende na lang kung gaano ka higpit yung gobyerno sa pag iimplement nito. Ayaw naman natin na may maubusan ng pera dito at mag invest sa scam.
Parang disclosure, ganun na nga siguro na gagawin nila na "this is not a financial advice". Kasi parang nakikita ko na din ito dati sa mga international content creators na crypto ang content tapos lalagyan nila ng ganyan para iwas din sila kung anong rules meron sila sa bansa natin. Baka ganyan na nga madalas na makita natin tapos ipo-point nalang lagi ng mga content creators dito sa atin na, "ganito ginawa ko, ito yung desisyon ko".