Parang disclosure, ganun na nga siguro na gagawin nila na "this is not a financial advice". Kasi parang nakikita ko na din ito dati sa mga international content creators na crypto ang content tapos lalagyan nila ng ganyan para iwas din sila kung anong rules meron sila sa bansa natin. Baka ganyan na nga madalas na makita natin tapos ipo-point nalang lagi ng mga content creators dito sa atin na, "ganito ginawa ko, ito yung desisyon ko".
Sa dami ng naiiscam dito sa atin sa pag invest man o airdrops dapat lang talaga na magkaroon ng disclaimer sa umpisa at katapusan ng mga post at video nila, pero itong regulation ng SEC bagaman maganda man ay hindi rin nakakaguranty ng safety ng mga investors at participants ito ay dahil sa taas ng volatility ng market.
Sabihin natin na registered ka gumagarantya ba ito na safe ang minamarket mo lalo pat bagong project ang pinopromote mo.
Mahirap talaga lalo't sa mga bagong projects tapos madami ding mga participants o mga kababayan natin na bago lang sa crypto. Kaya dapat sa simula't sapul palang ay dapat informed na sila na walang guarantee dito sa market at posible pa rin yung mga scams na yan kahit na regulated na ng SEC yung mga contents na puwedeng ilabas ng mga content creators. Wala namang masyadong pangil ang batas dito sa atin kaya may mga lusot pa rin diyan.
Ang isa sa technique ng mga influencers dito sa Pinas para makapang akit ng mga invites ay yung pinapakita nila sa pamamagitan ng pagpopost yung na gain nila sa isang airdrop, mayroon nga akong nakita na milyon yung nakuha nya. Siguro ay uminit ang mata ng SEC at kaya nangyari ang ganito at gusto nilang makibahagi sa mga kinikita ng mga influencers sa airdrops. Sa totoo lang ang mga influencers ang mas apektado dito kasi sila ang may madaming nakukuhang mga invites kumpara sa mga normal na airdroppers. Inshort mababawasan talaga ang kita nila kapag pinagbawalan na silang mag shill ng mga airdrop. Sa tingin ko sa ngayon ay patuloy lang eto hanggat wala pang nasasample lan.
Isa pa yan, bukod sa airdrops ay yung mga trades nila
+% gains. Kung nakita man ng SEC na may mga pumaldo tayong mga kababayan, okay yun sa kanila pero hindi nangangahulugan na dahil doon ay nagsimula silang maghigpit.