para sa akin maganda ito para iwas scam na rin.. its okay naman to recommend the best assets pero wag lang hikayatin ang mga tao na mag invest, magka iba kasi yo.
Sa dami ng scams na related sa crypto sa buong mundo at syempre dito sa pinas, nararapat lang na maglabas ang SEC ng ganyang announcement, so for sure tatahimik na mga influencers na yan na yung iba pansariling interest lang din ang habol.
i would say, good job SEC.
Same here, dahil sa naglipana ang mga nagdudunung-
dunungadunungan sa cryptocurrency, kung makapagsuggest sila ng mga bibilhing cryptocurrency ay wagas, iyong tipong papayamanin ang mga nag-invest at sumunod na investors sa kanila kahit na alam naman natin na may mga red flag iyong mga pinopromote nila. Dapat lang talagang ipatupad ng SEC ang ganitong regulation para na rin maiwasan ang mga pagkalugi ng mga investors dahil lang sa nagtiwala sila sa mga kilalang influencers.
Kung magsasuggest or magaadvice ng mga investment dapat talagang licensed sila para naman may mahabol ang tao or magkaroon sila ng ground for penalty kapag pumalpak ang pagendorse nila.