Post
Topic
Board Pilipinas
Re: PH SEC: 'Crypto influencers' = Financial advisors
by
bhadz
on 24/06/2025, 23:48:18 UTC
Paid shilling pa, ang masama kaya sila todo advertise para makakuha ng mga pinoy investors na walang kaalam alam. At dahil ang tiwala ng karamihan ng kababayan natin ay base sa pagiging influencer, kaya ok lang at alam ng mga advertisers na effective ang ganyan marketing. Ang sistema kasi ganito; "endorsed yan ni influencer 'x' kaya ok lang mag invest diyan'. At ito yung parang nagiging deciding factor din sa kanila kaya may pera nga pero tamad naman na din magresearch ang iba. Tapos kapag may nag comment sa kanila na affiliates lang ang habol nila, tinatanggi nila.
Madaming ganito since 2022, simula nung nausa yung mga p2e ang daming naging influencer and til now may mga nagpopromote ng tokens na meron na silang allocation kaya panay promote sila ng mga tokens. Dapat lang din naman talaga yon kasi nga andaming nagiging exit liquidity na mga baguhan and obviously malulusaw lang ang pera ng mga newbie sa ganon. Kaya isa sa way para pumaldo ka sa crypto is maging influencer ka talaga, mag shill ka ng mga tokens kahit memecoins na sobrang hype lang, papakinggan ka na ng mga tao at susundan ka. Pero kung tutuusin, yung mga ginagawa ng influencer is madali lang din halos, ang kaibahan lang is may mga insider info sila which is sila din mismo gumawa or KOL siya. Pero syempre ikaw na nagsisipag mag-crypto, pwede namang hindi mag-rely sa mga influencer, andaming tools na pwedeng gawin para makahanp ng mga good tokens nowadays, kahit solo ka lang pwedeng pwede ka pumaldo.
Paldo talaga yung mga influencers pero sa ngayon, ang daming rules na dapat maging maingat din sila dahil mayayari sila kay SEC. Paniguradong may mga mata na nakabantay sa kanila at konting maling mention lang, report agad yan with proof pa. Mas magandang huwag mag rely sa mga influencers dahil for the money lang naman ang majority sa kanila. Kung merong para sa knowledge at education ay iilan ilan lang talaga. Mahirap na humanap nong genuine na influencer na gusto lang makatulong sa mga kapwa pinoy at ginagawang passion ang pagtulong. Dahil karamihan sa kanila, motivated lang maging influencer dahil nalaman nila na madami palang pera kapag yun ang standing nila.