Paldo talaga yung mga influencers pero sa ngayon, ang daming rules na dapat maging maingat din sila dahil mayayari sila kay SEC. Paniguradong may mga mata na nakabantay sa kanila at konting maling mention lang, report agad yan with proof pa. Mas magandang huwag mag rely sa mga influencers dahil for the money lang naman ang majority sa kanila. Kung merong para sa knowledge at education ay iilan ilan lang talaga. Mahirap na humanap nong genuine na influencer na gusto lang makatulong sa mga kapwa pinoy at ginagawang passion ang pagtulong. Dahil karamihan sa kanila, motivated lang maging influencer dahil nalaman nila na madami palang pera kapag yun ang standing nila.
As of now is wala talaga akong follow na crypto influencer eh pero more on trading na yung naka follow kong mga social media pero pinoy din, just wondering if may nag parang file na for the role ng crypto influencer i mean kasi diba need daw nila mag file talaga para dito as consider na mag promote ng crypto so wondering lang ako if meron naba kasi as of now wala din ako balita after malabas ng news na ito eh.
Ako madami daming pinafollow na mga crypto influencers pero halata yung may mga alam talaga. At meron din namang for entertainment lang kaya nakakatuwa lang din na ifollow sila. Wala pa akong nakitang mga crypto influencers na nagfile maging licensed influencer o financial advisor sa BSP. Pero may nag iba sa format nila at mga sagutan sa mga tao na hindi financial advice yung sinasabi nila. Meron naman akong isang pinafollow na nagbebenta pa rin ng course despite na lumabas na itong guidelines galing kay SEC. Pero titignan ko kung hanggang kailan niya gagawin yun at kung merong magrereport sa kaniya or nakapag apply na ba siya ng license niya.