Tama, mas mareregulate na itong mga influencer na iba ang pakay sa mga followers nila. May mga strategy na din siguro silang naiisip kung paano hindi ma violate yung rules.
I'm not sure kung paano yung magiging strategy ng mga influencer pero sa tingin ko basta mayroon silang binigay na warning na pwede sila maubusan ng pera pag nag invest sa specific coin/crypto, siguro okay na din. Depende na lang kung gaano ka higpit yung gobyerno sa pag iimplement nito. Ayaw naman natin na may maubusan ng pera dito at mag invest sa scam.
Pwede parin naman silang gumawa ng content tungkol sa cryptocurrency as long as purely education lang talaga, at wala silang pinopromote na coin. Though medyo delikado narin dahil konting bitaw lang na sasabihin nila ay pwede na agad mailaban sa kanila ng Sec.
Kaya sa nakikita ko maging yung mga nagbibigay ng review sa isang coins o platform ay malamang iiwasan na muna nilang gawin yan, mataas ang posibilidad din na baka magshift o magbago narin sila ng thema ng content na gagawin nila din hindi malayong mangyari itong mga naiisip ko sa kanila.