Post
Topic
Board Pilipinas
Re: PH SEC: 'Crypto influencers' = Financial advisors
by
bhadz
on 26/06/2025, 23:29:25 UTC
Yung titovlogs at miranda. May mga ads pang nalabas sa akin noong nakaraan pero baka nakaset yun kung hanggang kailan yung ads nila. Pero nitong mga few days ago, wala naman na akong nakikita. Parang ang ginagawa nila, kay titovlogs may mga pinopost silang results at feedback na tingin ko, nag avail ng courses nila. Tapos kay miranda naman, nasa Dubai siya at tingin ko doon itutuloy yung business kaya hindi na sakop ng SEC ng Pinas. Tapos plug plug lang ng mga websites nila pero walang discreet words na inaattract nila mga audience nila tungkol sa products nila which mostly ay trading courses.

Syempre hindi rin huli sa mga balita un mga taong to' alam nilang dadalihin sila ng SEC kaya pasimple rin un ginagawa nila, alam naman nilang hindi sila makakalusot kasi batas na yan at pag natyempuhan sila tyak bayad malala sila, kaya sa mga paraang alam nila na hindi direktahan na makakaapekto sa ginagawa nila yung mga pwede pa rin gawin para makahikayat at magtuloy lang ung negosyong pinagkakakitaan nila, pag alam mo din kasi yung batas makakagawa ka rin ng paraan utakan lang ba ika nga hahahaha..
Alam nila yung balita pero may style sila na parang loophole ng batas na ginawa ng SEC kaya pinag aaralan din nila yan at tinetest. Wala talagang problema kung aware din sa batas pero sa side kasi nila, may mga kabuhayan sila na related dito at natamaan kaya makakaisip din sila ng paraan kung pano makaiwas sa penalty ng batas na yan.

Pwede parin naman silang gumawa ng content tungkol sa cryptocurrency as long as purely education lang talaga, at wala silang pinopromote na coin. Though medyo delikado narin dahil konting bitaw lang na sasabihin nila ay pwede na agad mailaban sa kanila ng Sec.

Kaya sa nakikita ko maging yung mga nagbibigay ng review sa isang coins o platform ay malamang iiwasan na muna nilang gawin yan, mataas ang posibilidad din na baka magshift o magbago narin sila ng thema ng content na gagawin nila din hindi malayong mangyari itong mga naiisip ko sa kanila.
Madami na nag shift ng tema ng content nila. Dati sobrang dali lang magbigay ng opinyon tungkol sa isang project, ngayon mahirap at malabo na tayo makakita ng mga influencers na magbibigay opinyon sa mga panibagong projects na gusto nila ireview. Lagi lang din nila lalagyan ng disclaimer yan na hindi financial advice.