Post
Topic
Board Pilipinas
Re: PH SEC: 'Crypto influencers' = Financial advisors
by
bhadz
on 27/06/2025, 16:57:57 UTC
Alam nila yung balita pero may style sila na parang loophole ng batas na ginawa ng SEC kaya pinag aaralan din nila yan at tinetest. Wala talagang problema kung aware din sa batas pero sa side kasi nila, may mga kabuhayan sila na related dito at natamaan kaya makakaisip din sila ng paraan kung pano makaiwas sa penalty ng batas na yan.

Ganun na nga kabayan, iniikot lang din nila kasi alam nila na meron loophole alam naman natin yan lahat na kung marunong ka sa batas dito sa bansa natin, kahit huli ka na pero hindi ka pa kulong hahaha, ganun lang din nasaisip ng mga yan, pinagkaakkitaan nila at kung talagang malakihan susugal din talaga sila sa kapalaran nila, hangga't makakaiwas sa penalty iiwas at iiwas yan gamit un mga paraan na alam nila na hindi sila basta basta maiipit.
Ganyan na ganyan ang ginagawa nila. May ginagawa sila para makaiwas sa penalty dahil nga kailangan maging licensed kay SEC/BSP para magkaroon ng go o ok pass sa batas.

Madami na nag shift ng tema ng content nila. Dati sobrang dali lang magbigay ng opinyon tungkol sa isang project, ngayon mahirap at malabo na tayo makakita ng mga influencers na magbibigay opinyon sa mga panibagong projects na gusto nila ireview. Lagi lang din nila lalagyan ng disclaimer yan na hindi financial advice.

Pinaka safe kasing paraan un pag may dislaimer kasi kahit na alam na alam mo na nanghihkayat pero hindi mo pwedeng kasuhan, dahil nga dun sa disclaimer na kasama hahaha, utakan lang talaga para dun sa mga nakakaunawa..
Kaya nga, mas madali kasing maglagay lang ng warning para hindi din mabato ng SEC sa guidelines nila. Mautak sila sa mautak pero kapag may mag push at magmonitor dito na individual tapos ipasa sa SEC, dale sila niyan. Active pa rin naman sila at tinitignan ko nalang yung knowledge na shineshare nila sa mga kababayan natin pero di maiwasan yung sales pitch pa rin.